GOOD news para sa lahat ng fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards! Tuloy na tuloy na ang sequel ng blockbuster movie nilang “Hello, Love, Goodbye.”
May titulong “Hello, Love, Again”, ito na nga ang magiging bonggang collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures ngayong taon na muling ididirek ni Cathy Garcia-Sampana.
Sa nasabing movie, bibigyang-buhay muli nina Kathryn at Alden ang pinasikat nilang karakter na sina Joy at Ethan, but this time, kukunan naman ang kabuuan nito sa Canada.
Baka Bet Mo: Xian Lim umaming extra challenge maidirek si Kim Chiu, walang isyu kung makipaghalikan sa pelikula na iba ang partner
Base sa ulat ng Deadline, ipalalabas ito sa mga sinehan nationwide sa November 13 at hindi para sa Metro Manila Film Festival 2024. Magkakaroon din ito ng international release.
Iikot ang kuwento ng “Hello, Love, Again” five years after na mag-goodbye si Joy (Kathryn) kay Ethan (Alden) sa Hong Kong para ituloy ang matagal na niyang pangarap na magtrabaho sa Canada.
Makalipas ang mahabang panahon, muling pagtatagpuin ng tadhana sina Joy at Ethan sa Canada. Ang tanong, magkaroon na nga kaya ng happy ending ang kanilang love story this time?
Baka Bet Mo: Alden ready nang gawin ang part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nila ni Kathryn: ‘Anytime!’
Ayon kay Kriz Gazmen, head ng Star Cinema, base sa inilabas na ulat ng Deadline, “Star Cinema has always been passionate about capturing the stories of our overseas Filipino workers in the big screen, to pay tribute to their sacrifices, grit and resilience to be able to provide for their families.”
“Hello Love Again is born out of that same passion, and this time, focusing on the lives of the Filipinos in Canada.
“This also marks the beginning of our beautiful collaboration with GMA Pictures, who share the same passion with us in telling stories for the Filipino audience worldwide,” aniya pa.
Sey naman daw ni Direk Cathy, “I am as excited as all of you perhaps, to find out what Joy and Ethan had gone through after Hello, Love, Goodbye and will be going through in Hello, Love, Again.”
Last year, nakipag-collaborate naman ang Star Cinema sa APT Entertainment at Agosto Dos Pictures para sa highest-grossing Filipino film of all time naman na “Rewind.”
Ito ang naging top-grosser sa MMFF 2023. Base sa record, kumita ito ng $17 million sa global box-office.