NGAYONG inilantad na ni Medwin Marfil ang pagpapakasal sa kanyang partner na si Mark Angeles sa Amerika, tuluyan na kaya niyang lalayasan ang bandang True Faith?
Yan ang tanong mga supporters ng OPM group matapos ngang ibandera ni Medwin ang wedding nila ni Mark na ginanap sa Pacifica, California, USA, na ikina-shock ng publiko.
Baka Bet Mo: Jhong Hilario lalayasan na nga ba ang ‘It’s Showtime’?
Ang intimate beach wedding nina Medwin at Mark (high school batchmate ng OPM singer-songwriter) ay nangyari sa Rockaway Beach sa Pacifica, California.
In fairness, marami man ang nagulat sa announcement ni Medwin about his sexual preference, bumuhos din naman ang congratulatory messages para sa kanila ni Mark, kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities.
Ang tanong lang ngayon ng kanyang fans, ano na ang mangyayari sa True Faith? Ayon kay Medwin, inaayos na ang kanyang mga dokumento para manirahan sa US kasama ang asawa.
Baka Bet Mo: Medwin Marfil ng True Faith 4 na beses tumanggi sa offer ng UniTeam: May bayad powh…
“Once na puwede na ko bumalik, ang plano ko is balik-balik – between Manila and San Francisco. And now that my presence is here na, I can have the guys come over din here to do shows and tours sa North America,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.
Siniguro rin niya na hindi madi-disband ang kanilang grupo nang dahil sa pagpapakasal niya.
“Definitely not, exciting nga. Kasi itong new chapter ko sa buhay, buhay ko dito sa States, buhay na I’m no longer afraid of who I am.
“I think it will inform the songwriting in richer ways kasi wala nang hindrance. Siguro dati I was a little vague with my emotions and all that, ngayon this time, all out na.
“Last January, we were working on a new material. I wrote it, siya (Mark) yung inspiration ko,” pahayag ni Medwin.
“Sa mga nagtatanong kung tuloy pa ba ang True Faith? Tuloy pa rin, in whatever capacity. Alam mo yung mundo natin, it’s like a global village na.
“Madali na lang pumunta from one place to another to do gigs. And because of technology, me and my bandmates can make music, even we’re far apart.
“Feeling ko talaga, sa situation namin since we’ve committed together to each other, definitely mas based na ako dito. But True Faith will still go on.
“I think there will be, it’s exciting for us personally, and for the band as well,” sabi pa ni Medwin sa nasabing interview.