Labi ng OFW sa Saudi ni maiuwi | Bandera

Labi ng OFW sa Saudi ni maiuwi

Susan K - November 06, 2013 - 03:00 AM

HABANG nagkakagulo na ang mga kababayan natin sa Saudi dahil sa ginagawang crackdown laban sa mga iligal migrants, malaki rin ang problema ni Edgar Fernandez, kapatid ng isang OFW na naroon.

Ayon kay Edgar, apat na buwan nang pumanaw ang kanyang kuyang si Emilio sanhi ng atake sa puso. nangyari ito noong Hulyo 16, sa Jeddah, habang naka-confie sa Al Fahhad Hospital. siya ay 56 anyos.

Natanggap lang ni Edgar ang balita mula sa mga kasamahan ng kapatid sa trabaho.

Gumugol ng 30 taon sa Saudi ang OFW na si Emilio.

Dahil sa pagsisikap nagkaroon siya ng kasosyo at kaibigan — si Capt. Eid Mohsen Mohamed Al Sobhi, at nagtayo sila ng construction firm.

Nang pumanaw ang kapatid ay madaling ipinaalam ni Edgar ang nangyari sa Department of Foreign Affairs-Pampanga. Wala silang nakuhang balita.

Samantala, ang sister-in-law ni Emilio, na si Marion Fernandez, na matagal nang sumusubaybay sa Bantay OCW, ang siya namang lumapit sa atin.

Dahil umabot na nga ng apat na buwan ang kanilang paghihintay sa labi ni Emilio, nabulalas na lang sa atin ni Marion na walang ginagawa ang gobyerno dahil pinabayaan nito si Emilio.

Pero si Edgar ay hindi napapagod sa paghingi ng update sa DFA at embahada sa Jeddah para lang maiuwi ang bangkay ng kapatid.

Lumapit ang Bantay OCW sa DFA at sa embahada sa Riyadh. Ayon kay Mr. Ronnie Caas ng Assistance to Nationals Section sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na siyang nakakasakop sa Jeddah patungkol sa Shipment of Remains, nagkakaproblema anya sila ngayon sa kumpanya ni Edgar, dahil hsa hindi pakikipagtulungan nito. Bukod dito, hindi ganap na authenticated ang mga dokumentong ipinadala ni Edgar sa Embahada tulad ng Special Power of Attorney (SPA) na nagbibigay ng otorisasyon kay Capt. Eid na pangunahan ang mga proseso ng pagpapauwi sa bangkay ni Emilio.

Subalit gagawin aniya ng kanilang opisina ang lahat ng paraan upang pagkatapos nito’y masimulan na ang kaukulang proseso ng pagpapauwi sa mga labi ng ating kabayan.

Ngayon pa lamang, nagpapasalamat na ang pamilya Fernandez sa ibinibigay na tulong ng ating programa.

Ipinaaabot rin ng Bantay OCW ang aming taos-sa-pusong pakikiramay sa pamilya Fernandez.

Harinawa ay masolusyunan ng pamahalaan ang ganitong mga problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer dzIQ 990 AM, Lunes – Biyernes, 10:30 am-12:00 noon, audio/video live streaming: www.dziq.am.
Mapapanood sa PTV 4 tuwing Martes 8:00-9:00pm. Helplines: 0927.649.9870 / 0920.968.4700. E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending