“I FELT bad on my walk home.” Ang post ni Bela Padilla sa kanyang Instagram kung saan naka-witness siya ng isang insidente ng pagnanakaw.
Sangkot dito ang dalawang babaeng nanguha ng mga gamit sa naiwang backpack ng isang pasahero sa loob ng isang train.
Base sa kuwento ng aktres ay hinatid niya ang Swiss boyfriend na si Norman Bay sa airport at siya naman ay pauwi na sa kanyang tirahan kung saan sumakay siya ng subway at nakita nga niya ang ginawa ng dalawang babae.
Ipinost ni Bela ang litrato na kinunan niya sa loob ng elevator at nilagyan ng text caption na, “Took Norman to the airport yesterday.. So, it was my first time back on the tube after 3 months.
Baka Bet Mo: Hirit ni Julia kapag ayaw na sa ‘yo ng dyowa mo: Huwag nang pilitin
“And when I entered, someone had left their red backpack. These 2 girls decided to open it and check it out…
“They took the food inside and other (I’m assuming valuable) things, and threw the backpack on the floor,” ang pahayag ng aktres at direktor.
Nang makita raw ng dalawang babae ang laman ng backpack na may pagkain ay nagtawanan bigla ang mga ito.
Sabi pa ni Bela sa IG stories niya, “They opened that Tupperware that had sandwiches inside and started laughing really loudly and all I could think of was… whoever left their bag in Heathrow terminal (England) will be hungry in his journey.
“Also the amount of time and effort of whoever packed the snacks are now wasted,” pagbabahagi ng dalaga.
Baka Bet Mo: 6 tips ni Charo para sa mga laging nagtatanong ng ‘kaya ko ba ‘to?’
Gustung-gusto na raw sitahin ni Bela ang dalawang babae at i-report ang nangyari sa kinauukulan pero nagdalawang-isip siya.
“I felt bad on my way walk home. I wanted to stand up and tell them to stop messing with the bag, but for some reason I was really nervous and scared.
”I realized I’m back in London where no one cares to report theses things and no one will intrude when we see bad behaviour (sad face emoji),” aniya.
Samantala, muling nag-post ang aktres kagabi (8 p.m. dito sa Pilipinas) at ibinalitang ilang araw nang nawawala ang luggage niya.
Aniya, “It’s been 5 days since I landed and my luggage is still missing whooptido.”