Maggie Wilson pinagbabantaan ang buhay kaya hindi makauwi sa Pinas

Maggie Wilson pinagbabantaan ang buhay kaya hindi makauwi sa Pinas

Maggie Wilson at Connor Consunji

DALAWANG taon nang nangungulila sa kanyang anak na si Connor ang dating beauty queen na si Maggie Wilson na naka-base na ngayon sa ibang bansa.

Hindi makabalik ng Pilipinas si Maggie dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay bukod pa sa nakaumang na warrant of arrest sa kasong isinampa ng estranged husband niyang si Victor Consunji, Jr., ang may-ari ng Victor Consunji Development Corportion o VCDC.

Nitong nakaraang Mother’s Day ay ipinost ni Maggie ang lumang larawan nila ng anak na kuha dalawang taon na ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Netizens durog ang puso sa open letter ni Maggie Wilson para sa anak na mahigit 1 year na niyang hindi nakikita

Idinetalye ni Maggie sa kanyang post kung ilang araw na silang hindi nagkakausap ni Connor at kung gaano niya ito kasabik makita at mayakap.

Say ni Maggie, “Photos taken on Mother’s Day 2022.”

“It’s been almost two years since I last held him and 494 days since we last spoke. I’ve missed 2 birthdays, 2 Christmas’, 2 New Year’s celebrations and countless milestones.


“There is nothing more painful than the loss of a child who I know is growing up without me,” bahagi ng mensahe ng negosyante at dating aktres.

Ayon pa kay Maggie, “You may have noticed that I’ve been posting less about him. It’s because I received a notice for a Protection Order for sharing images and videos of my own son on social media. To stop me from seeing or speaking to him until he is an adult.

Baka Bet Mo: Maggie Wilson hindi mag-isa sa laban, promise ni Tim Connor: We got this!

“I am a mother but I have been robbed of being able to be a mother. Nonetheless, I will always be his mommy and that is something no one, not even time can erase.

“You are always with me Connor. Forever in my heart, in my mind, and my prayers. One day bubbah. Our time will come. I will never lose hope. I love you and miss you dearly my little man.

“To all the mothers who understand the complexities of love and loss, may this day bring a gentle reminder of the enduring bond that transcends time and space.

“Happy Mother’s Day to all the mothers, near and far, who carry their children in their hearts, today and always,” ang kabuuan ng kanyang Mother’s Day message.

Maraming komento na nahahabag sila sa kalagayan ng mag-ina at nagpayo pang tibayan lang ni Maggie ang loob para sa anak dahil isang araw ay magkakasama rin sila.

Read more...