SOLENN: Gagawin ko ang lahat para makuha ko ang isang guy! | Bandera

SOLENN: Gagawin ko ang lahat para makuha ko ang isang guy!

Ervin Santiago - November 06, 2013 - 03:00 AM


LIBERATED talaga si Solenn Heussaff! Iba ang pananaw niya bilang isang babae sa kinasanayan at kinalakihan na ng mga Pinay.

Ayon sa Kapuso actress, hindi siya ‘yung tipo ng girl na maghihintay na lang sa isang lalaki para ligawan siya. Aniya, “Kapag may gusto ako, gagawin ko lahat para makuha ko yung guy.”

Nakachikahan ng entertainment press ang French-Filipina actress sa special screening ng bago niyang pelikula under Regal Entertainment na “Status: It’s Complicated” na showing na ngayon sa mga sinehan.

At tulad nga ng role niya sa movie, agressive talaga siya sa tunay na buhay.  “Pag single ako, talagang super out there ako. Gusto ko mag-meet ng tao, gusto ko mag-date.

Yun ang side ni Sylvia na meron ako,” na ang tinutukoy nga ay ang karakter niya sa pelikula kung saan kasama nga niya sina Maja Salvador, Jake Cuenca, Paulo Avelino at Eugene Domingo, sa direksiyon ni Chris Martinez.

Samantala, going strong pa rin daw ang relasyon nila ng kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico, halos magkaedad lang sila ng guy unlike his past boyfriends na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Pero sey ni Solenn mas nagkakaintindihan raw sila ni Nico. “Yung iba, parang young love, first love, or akala ko in love. Ito yung first na totoo talaga, may understanding, at walang jealousy.

Sobrang mature ng relationship namin. Happy ako ngayon,” chika ng aktres. Nang tanungin naman kung selosa siya? “Hindi naman. Noong bata ako, may ibang bagay na hindi ko maintindihan.

Pero natuto naman ako sa past relationships ko kahit seventeen years old lang ako nu’n. “Ngayon, mas settled ako as a person, mas buo ako, mas formed yung personality ko, mas happy,” dagdag niya.

Paano niya ide-describe ang dyowa niya? “Very intelligent siya. Iba ang work niya. We only know showbiz world. Siya, sa agriculture siya.

So, I’m learning a lot from him. I don’t know how to explain, pero very advanced siya in thinking, so it’s nice.” Ngayong holiday season, magkasama silang magbabakasyon ng boyfriend niya sa Argentina, “Tuwing December, nasa Argentina ako, kasi yung parents niya nandu’n. Bibisitahin namin yung family niya.

We stay there 20 days every December. “But first, I’ll be spending Christmas with my family, kasi babalik yung sister ko. Pagkatapos ng Christmas day, aalis ako agad,” kuwento pa ng dalaga.

Medyo umiwas naman si Solenn nang matanong tungkol sa pagpapakasal, “No. Ayoko pag-usapan. Kapag mangyayari, dapat surprise!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending