Dina Bonnevie binalikan ang paghihiwalay nila ni Vic Sotto noon

Dina Bonnevie binalikan ang paghihiwalay nila ni Vic Sotto noon

MULING binalikan ng aktres na si Dina Bonnevie ang kanilang naging love story noon ng TV host-comedian na si Vic Sotto.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, May 10, ay napag-usapan nila ang kwento kung paano nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng “Eat Bulaga” main host.

Bago pa maghiwalay sina Dina at Vic ay anim na taon muna silang nagsama at mayroon silang dalawang anak, sina Danica at Oyo Boy.

Pag-amin ng aktres, napansin na lang raw ng mga bata na hindi na umuuwi ang kanilang ama sa bahay hanggang sa nasanay na ang mga ito sa sitwasyon.

Baka Bet Mo: 2 aktor nagsuntukan dahil kay Dina Bonnevie; inis na inis kay Boyet nang kumain ng bagoong bago sila maghalikan

“Sinabi lang ni Vic na ‘Weekends, you’re gonna spend it with me. Weekdays you’re going to spend with your Mama,'” lahad ni Dina.

Noong mga panahon na raw na ‘yun ay nais nina Danica at Oyo na magkaayos at magkabalikan ang dalawa.

Lahad ni Dina, “Everytime I remember that, naiiyak ako, Boy. Kasi as a mother, not because gusto ko kami pa rin ni Vic kasi si Vic Sotto siya, no.”

“Every mother would want to be with the fathee of her children. It’s every mother’s wish to have a whole family, not a broken one. So when you remember the pain of your children ehile they are telling you that, you feel so helpless e,” pagpapatuloy pa niya.

Sa kabila ng mabigat na pinagdaanan nila ni Vic ay never nilang ipinakita ito sa harap ng kanilang mga anak.

“We never fight in front of the kids and I never badmouthed their dad. Never! Never ko siyang siniraan sa mga anak niya and I would always say, ‘You only have one dad… and you have to respect him. Whatever it is,'” sey ni Dina.

Kuwento pa niya, matagal na panahon rin daw bago niya napatawad si Vic at dumating rin sa point na nasabihan siya ni Danica na masyado siyang bitter.

Hindi raw kasi mapigilan ni Dina na mag-rant at kuwestiyunin ang nangyari marahil dahil na rin sa 23 pa lang siya nang mangyari ‘yun.

“You don’t understand a lot of things but I guess through time, walang pupuntahan ito unlessI really let go and just accept like it’s like this,” sabi pa niya.

Aware naman ang lahat na ang naging rason kung bakit naghiwalay sina Dina at Vic ay dahil sa leading lady noon ng huli na si Coney Reyes.

Read more...