#SerbisyoBandera: 100th birthday ng yumaong sikat na pintor bibigyang-pugay

#SerbisyoBandera: 100th birthday ng yumaong sikat na pintor bibigyang-pugay

PHOTO: Courtesy of Boboy Yonzon

NAKATAKDANG magsama-sama ang art community upang ipagdiwang ang ika-100th birthday ng yumaong isa sa most accomplished na pintor sa bansa na si Hugo C. Yonzon, Jr.

Bilang pagpupugay, ilalabas na rin ang coffee-table book na pinamagatang “Matayog na Puno: The Life and Art of Hugo C. Yonzon Jr.” na hango mismo sa buhay ng legendary painter.

Ang nagsulat nito ay ang veteran journalist na si Neal Cruz at ang anak ni Mr. Hugo na si Boboy Yonzon.

Ang selebrasyon at book launch ay mangyayari sa University of the Philippines College of Fine Arts Atrium sa Diliman, Quezon City sa darating na May 24, 4 p.m.

Maliban sa pamilya at mga kaibigan, bukas din ang event sa publiko na kung saan aasahan ang ilang music numbers, dance tributes at merienda cena.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: 72-anyos ginawang ‘community library’ ang bahay sa Makati

Masayang-masaya si Boboy dahil finally ire-release na ang librong dedicated para sa kanyang ama.

Kwento niya, halos tatlong dekada na itong nasa bucket list niya.

“The book began as my personal tribute to my Dad, but I am speaking not as a son (perhaps a repentant one who rue of lost opportunities for greater bonding with a parent) but as an artist and as an educator and originator,” sey niya sa isang Facebook post.

Kwento pa niya, “When we finally assembled his samples of work, they were jaw dropping! Matindi ang damuho! I co-wrote with Neal Cruz and published the book, with my brother Joel as main photographer and my daughter, Pika as book designer.”

Ang yumaong legendary painter ay ipinanganak noong May 24, 1924 na kung saan nag-umpisa ang kanyang karera sa advertising noong late 40s at makalipas ang dalawampung taon ay tinahak naman niya ang newspaper world.

Ilang beses na rin siyang nakatanggap ng parangal sa iba’t-ibang aspeto ng traditional and modern categories, kabilang na riyan ang ilang major prizes bilang isang photographer, cartoonist and caricaturist, at book illustrator.

Pag-alala ni Neal, “[Hugo] Yonzon, despite his enormous accomplishments, was so humble, he never approached us for press releases even if he had so many friends in the media.”

Si Hugo ay pumanaw noong October 1994 sa edad na 70.

Ang kanyang mga naiwan na obra ay nakasabit sa ilang sikat na establisyemento kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Development Academy of the Philippines, National Economic Development Authority, pati na rin sa ilang tahanan ng ilang sikat na art lovers –dito man sa bansa o sa abroad.

Read more...