Vice Ganda pinakiusapan noon ng ama ni Awra, huwag palayain agad

Vice Ganda pinakiusapan noon ng ama ni Awra, huwag palayain agad

INAMIN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na pinakiusapan siya noon ng ama ng kanyang alagang si Awra Briguela na huwag agad itong palabasin sa kulungan.

Ito ay kaugnay sa naging eskandalo niya noon kung saan nasali siya sa rambulan sa Poblacion, Makati.

Ayon kay Vice, kinausap siya ng ama ni Awra para turuan ito ng leksyon at magtanda sa kangang maling nagawa.

Pagbabahagi niya, ayaw i-tolerate ng ama ni Awra ang hindi niya magandang gawain kung saan napahamak siya at nakatikim ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga tao sa social media.

Baka Bet Mo: Vice Ganda binalikan ang rape joke kay Jessica Soho: They hate me…

“Alam mo mo ang hirap-hirap sa posisyon ko noong mga panahong kinakausap ko kayong dalawa, kasi ‘yong tatay niya hindi kunsintidor na tatay.

“Hindi siya ‘yong tatay na lalapit sa akin para sabihing ‘Meme, ilabas mo ‘yong anak ko sa kulungan, Meme, pakiayos naman si Awra, Meme tulungan n’yo po si Awra,'” panimula ni Vice.

Dagdag pa niya, iba ang naging pananaw ng ama nj Awra sa pangyayari.

Kwento ni Vice, “Ang tatay niya iba ang atake, ang sabi niya sa akin, ‘Meme, ang pakiusap ko huwag mo muna siyang ilabas. Alam kong tutulungan mo siya, pero ‘wag mo muna siyang ilabas. Kasi gusto ko maranasan niya ‘yong hirap doon para ma-realize niya.’

“Tough love ang ibinibigay sa iyo ng tatay mo. Gusto niyang maranasan mo ‘yong epekto noon sa iyo, na ‘yong part na ‘yon ng life mo ay hindi mo puwedeng takasan, you have to face it, realize things and learn from it.”

Chika ni Awra, hanggang ngayon ay inaayos pa rin niya ang gusot sa pagitan nilang mag-ama pati na din sa kanyang mga kapatid.

“We are getting better naman siguro po. Kasi feeling ko talaga it will take a lot of time bago kaming okay sa isa’t isa, kasi nga siguro may mga time na wala akong courage na mag-open sa kaniya.

“Kasi hindi rin naman niya ako binibigyan ng sign or hindi ko nararamdaman ang tapang ko,” sey ni Awra.

Read more...