TULAD ng karamihan sa mga bading sa Pilipinas, nakaranas din ng pananakit at panghihiya ang social media star na si Taylor Sheesh.
Hinding-hindi pa rin nalilimutan ng sikat na impersonator ng international singer na si Taylor Swift ang mapapait na karanasan niya dahil sa pagiging beki.
Naibahagi ni Taylor ang mga nakakalokang experience na ito kahapon sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” nang mapag-usapan ang isyu about homophobia.
Baka Bet Mo: Pinay drag queen Taylor Sheesh umeksena sa Australian show na ‘Today’
Kuwento ni Taylor Sheesh o John Mac Lane Coronel sa tunay na buhay, mula noong bata pa ay isa na siyang proud gay ngunit hindi rin naging madali para sa kanya ang maging biktima ng matinding diskriminasyon habang lumalaki siya.
Grabe rin daw ang panghuhusga sa kanya noon ng mga tao dahil sa kanyang pagiging bakla.
“Parang ‘yung automatic kapag bakla mahina, wala kang laban, tapos salot,” sabi ni Taylor kay Tito Boy.
Bukod sa panghihiya, nakaranas din siya ng pananakit mula sa mga taong ayaw sa kanya, “Takot ako no’n Tito Boy. Takot na takot. Hindi ako nagsalita. Napili kong manahimik ng ilang taon.”
Baka Bet Mo: Taylor Sheesh na-trauma matapos saktan sa Pangasinan; Mayor Niña nag-sorry
Sa kabila nito, hindi pa rin nagpadala sa kanyang emosyon si Taylor Sheesh. Hinayaan na lamang niya ang mga taong nanghuhusga at nananakit sa kanya, lalo na sa mga hindi pa rin tanggap ang mga bading sa lipunan.
“Mahirap kasi kapag nakipagtalo ka kasi alam mo ‘yun hindi nila maiintindihan. Sa bandang huli tuloy ikaw ‘yung magmumukhang masama.
“So mas gusto ko po rin sa chosen family kasi sila ‘yung mga nakakaintindi,” sey ni Taylor Sheesh.
“Dati po mapagpatol ako , pero ngayon, sa sobrang busy wala na ako time,” dugtong pa niya.