NINAKAWAN ang bahay ng mga magulang ni Claudine Barretto sa Subic, Zambales kung saan nalagay pa sa panganib ang buhay ng kanyang nanay.
Kuwento ng aktres, kaka-renovate pa lang daw ng kanilang bahay nang mangyari ang insidente at mismong ang kapatid niyang si Gretchen ang nagpaayos nito.
Nakausap ng ilang piling members ng showbiz press kagabi si Claudine kasama ang BANDERA sa bago niyang pelikula, ang fantasy-drama na “SINAG” mula sa direksyon ni Elaine Crisostomo.
Kuwento ng aktres, “Nilooban yung bahay ng mommy at daddy ko. Lahat yun kasi pinaayos ni Gretchen. Lahat ng mga kagamitan doon bago, pina-landscape pa niya, lahat yun milyun-milyon (ang halaga).
Baka Bet Mo: Claudine Barretto sinisi ang sarili sa pagkamatay ni Rico Yan
“The best TVs, mga aircon, lahat-lahat! And in four days with the audacity and the nerve ng mga magnanakaw, nawala na yun and nagkahabulan pa sila (mga suspek) ng mga pulis pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nahuhuli, wala pang development.
“And hindi lang kami, ha, pati si ALV (Arnold Vegafria, talent manager niya) napasukan din yung bahay niya. So, feeling namin may problema sa loob ng SBMA. So, sana yung officials ng SMBA at mga officials ng Olongapo, gawan n’yo naman ng paraan,” pakiusap ni Clau.
“Because this sent my mom almost to the ICU. I almost lost my mom. Kung hindi nakita ni Noah (adoptive son niya), kasi nasa hotel kami that time, e. So, kung hindi nakita ni Noah yung mommy ko nakaganyan (nakayuko), malamang wala na yung mommy ko.
“We had to rush her to the ER (emergency room) of a hospital in Subic, I’m really thankful sa mga staff doon because napakabilis nilang inasikaso yung mommy ko.
“Yung BP (blood pressure) niya umabot ng 2010 over…hindi ko na alam kung ano yung mangyayari. And during that time yung taas ng bahay namin, hindi pa nakuha yung mga TV, yung mga aircon.
“And that time naisip ko na iwan ko muna sandali yung mommy ko para kunin na yung mga…and yun yung oras, yung nakita sa CCTV yung oras na kinuha nila,” pagbabahagi pa niya.
“So, it also saved me. So, yun talaga ang pinakaano ko ngayon, asikasuhin muna ang mommy ko kasi she’s 88 already.
“Para sa akin kasi, at lagi ko naman itong sinasabi, na responsibilidad ng anak na alagaan ang magulang. Kung hindi financially, be there, just be there for them,” pahayag pa ng aktres.
Samantala, excited na si Claudine sa next project niya, ang “SINAG” kung saan gaganap siya bilang diwata, na first time niyang gagawin sa big screen.
Ibinandera pa niya na maraming big stars ang susuporta sa naturang pelikula para mag-guets appearance. Nagpapasalamat nga siya sa mga kaibigan niya sa showbiz na umoo agad nang tawagan at pakiusapan niyang mag-cameo sa “SINAG.”
Ang producers nito ay sina Aida Patana (BFF ni Claudine) at Bea Glorioso, kung saan kasama rin sa cast sina Daiana Menezes, Dennis Padilla, Angelica Jones at marami pang iba.
Magsisimula na silang mag-shooting sa darating na May 28 sa Nasugbu, Batangas at iba pang magagandang lugar sa Pilipinas.