Amit kampeon uli sa Women’s World 10-Ball

PINATUNAYAN ni Rubilen Amit na isa siya sa mga mahuhusay na billiards player ng Pilipinas nang angkinin niya ang titulo sa 2013 Yalin Women’s World 10-Ball Championship kagabi sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Isinantabi ni Amit ang mahinang panimula na kung saan naiwanan siya ni Kelly Fisher ng Great Britain sa 6-4 nang kakitaan ng pagtibay sa mga tumbok sa huling tatlong racks tungo sa 10-7 panalo.

Anim sa huling pitong racks ang inangkin ni Amit at nakatulong sa kanya ang mga unforced errors ng 2011 champion na si Fisher na naapektuhan sa suporta ng kababayan ng hometown bet dahil pinapalakpakan ang kanyang bawat mali.

Tatlong sunod na racks ang napanalunan ni Amit para umabante sa  7-6 at matapos makuha ni Fisher ang 14th rack para magtabla ang dalawa sa 7-7 ay biglang kumulapso ang laro ng British player.

Read more...