Kris tinabla si James? Visitation rights ng ex dinedma

Kris Aquino, James Yap and Bimby

HINDI umano sinusunod ni Kris Aquino ang visitation rights na ibinigay ng korte sa dating mister at PBA player na si James Yap para sa kanilang anak na si Bimby.
Ito ang sinabi ng abogado ni Yap na si Atty. Lorna Kapunan sa morning show ng TV5 na Good Morning Club, Lunes.
Sa panayam ng isa sa mga host ng program, tinanong ni Erwin Tulfo si Kapunan hinggil sa balitang hindi umano sinusunod ni Kris ang utos ng korte hinggil sa pagbisita ng basketball player sa kanyang anak.
“It’s very sad, but it’s very true. Although I cannot talk about the case, kasi meron kaming gag order, e, gusto ko lang sabihin na….I make this an appeal on air na sana sundin naman niya (Kris) yung visitation orders because yun ang napagkasunduan,” paliwanag ng abogada.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umano ito sinusunod ng presidential sister.
Tumanggi namang idetalye ng abogado kung anu-anong araw pwedeng bumisita si James kay Bimby dahil sa seguridad.
Sa ngayon ay pinag-iisipan na rin daw ng kampo ni James na maghain ng panibagong reklamo laban kay Kris.
“We are thinking about it. Kasi, pag ganyan yung contempt, separate case ‘yan, ‘no. Hindi ‘yan puwede i-file by motion. You have to file a separate case.”

Read more...