NAPANOOD na namin ang pelikulang “Pula” sa Netflix starring Coco Martin and Julia Montes kasama sina Raymart Santiago at Pola, Mindoro Mayor Ina Alegre na idinirek ni Brillante Mendoza.
Kasalukuyang number one ito sa naturang streaming platform kaya naengganyo kaming panoorin at siyempre dahil pelikula ito ng CocoJuls. Naalala namin na ito pala ‘yung sinyut ng dalawa sa Pola noong Hulyo, 2021.
Ito ‘yung nag-viral na video na naka-motor si Coco kasama si Julia na inakala naming ipalalabas sa sinehan, pero dahil hindi pa nga bumabalik sa sinehan ang mga tao maliban sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023, kaya na-hold ito.
Baka Bet Mo: Julia game na game nang magpaseksi: Tumatanda na rin ako, so wala nang excuse na umayaw
Samantala, gusto naming isipin na kaya tinanggap ni Julia ang pelikula ay dahil kasama niya ang boyfriend niyang si Coco at isa rin siya sa producer at gusto rin ma-experience ng aktres na makatrabaho ang “The Brillante Mendoza.”
Okay naman ang role ng aktres dahil umalis siya sa comfort zone niyang romantic comedy dahil drama ito plus kabit siya ng pulis na ginagampanan ni Raymart na superior naman ng asawa niyang si Coco.
Nagdadalang-tao siya sa kuwento na hindi alam ni Julia kung kay Raymart o kay Coco pero sa huli ay nabanggit niya sa una na “paano kung hindi sa ‘yo ito?”
Naospital ang karakter ni Julia dahil dinugo at dinalaw siya ni Raymart at nahuli sila ni Coco na magkayakap pero hindi ito nagpahalata at simula no’n ay nagduda na siya lalo na kapag biglaang nawawala ang asawa sa eskuwelahan kung saan ito nagtuturo.
Malagim ang ending ng pelikula at para sa amin ay napakabigat panoorin ito, siguro dahil hindi lang kami sanay na mapanood si Julia sa ganitong klaseng karakter, pero magandang behikulo rin ito dahil bago para sa supporters niya.
Anyway, may gagawing serye si Julia sa Kapamilya channel at pelikula na parehong hindi pa sinasabi sa amin ng handler niya ang detalye.