Jannabi all out performance sa 2024 Korea Festival, fans nag-enjoy sobra

Jannabi all out performance sa 2024 Korea Festival, fans nag-enjoy sobra

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

BUHAY na buhay at ibang level ang naging performances ng sikat na Korean indie rock band na Jannabi sa ating bansa!

Naganap ‘yan sa opening ceremony ng “2024 Korea Festival” na pinangunahan ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) sa SM Mall of Asia Music Hall noong May 4.

Ang event ay parte ng selebrasyon para sa ika-75th years of friendship sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Para sa taong ito, ang tema ay “K-Culture Next Door” na sumisimbolo sa “close connection” ng dalawang bansa.

“Just like neighbors who are a ‘doorbell’ away, Korea and the Philippines influenced and supported each other through cultural exchange and interaction between people throughout the years,” saad sa pahayag ng non-profit institution.

Baka Bet Mo: KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit

Maliban sa fans at ilang miyembro ng media, present din ang ilang opisyal na nakisaya at nakinood din sa pagtatanghal ng Jannabi.

Kabilang na riyan ang Korean ambassador na si Lee Sang-hwa, Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman na si Direk Jose Javier Reyes, senior assistant vice president for operations ng SM Supermalls MOA na si Perkin So, at ang executive assistant for social services ng Pasay LGU na si Ma. Angelica Roa Yu.

Libre lang ang event, pero grabe ang ibinigay na experience sa live performances ng Jannabi.

Hindi lang sila magaling, ipinakita nila sa Pinoy fans na isa silang tunay na performers!

Nasaksihan ng BANDERA ang kanilang pagtatanghal at kahit kami ay bilib na bilib sa bawat set ng kanilang mga kanta.

Halos napuno pa nga mismo ang venue na kung saan ay nangibabaw ang sigawan at pag-sing along ng kanilang mga tagahanga.

Mukhang nag-enjoy rin ang Jannabi with their fans dahil nagbitiw pa nga ito ng pangako sa gitna ng kanilang pagtatanghal.

Ayon sa kanila, babalik sila sa Pilipinas as soon as possible.

Napakarami nilang kinanta sa 2024 Korea Festival at ilan na lamang diyan ang “Together!”, “Baby I Need You,” “For Lovers Who Hesitate,” “Jungle,” at ang sarili nilang rendition na “What’s up” by 4 Non Blondes.”

Nag-perform din ang Pinoy rapper na si Young Cocoa na nagbigay ng hype bago sumalang sa stage ang Korean group sound.

Until today, May 5, ang event sa Pasay City at ang susunod ay dadalhin ito sa Mountain Wing Atrium and Skyhall ng SM Seaside City Cebu sa darating na June 15 at 16.

Puno ng aktibidad ang festival na kung saan ibinabandera ang Korean cultural experiences mula sa Hangeul (alphabet), Hanbok (costume) at Jeontongnori (traditional games).

Read more...