Janno nanega ang career; ibinandera ang dahilan kung bakit laging late

Janno nanega ang career; ibinandera ang dahilan kung bakit laging late

Boy Abunda, Janno Gibbs

NAGPALIWANAG ang veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs kung bakit lagi siyang nale-late sa kanyang mga trabaho.

Dahil madalas siyang late dumating sa shooting o taping ng mga ginagawa niyang projects, binansagan siyang “The Late Janno Gibbs.”

Ayon sa komedyante, nagsimula lang ito sa katuwaan at tuksuhan ngunit kalaunan ay nagkaroon na ito ng negative impact sa kanyang showbiz career.

Sa guesting ni Janno sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, nabanggit niyang insomnia ang dahilan kaya siya nale-late sa mga commitments niya noon.

“Of course, I’m notorious for that label. ‘Kapag si Janno, late ‘yan.’ Sinakyan ko na lang, just for fun, for comedy, for a laugh,” sabi ng singer-actor.

Baka Bet Mo: Manilyn mas memorable ang loveteam kay Janno kesa kina Keempee at Ogie

“Later on when it was medyo negative na ‘yung dating, it was affecting my job. ‘Naku! Ayoko nang kunin ‘yan, mahirap ‘yan, nale-late ‘yan.’ Eh, hindi na naman ako nale-late,” sey ng komedyante.

Aniya pa, “I must admit, I was a little difficult before. But ever since I re-entered Viva, I’m always on time. Kahit maaga ang shooting, nandoon ako.”

Naikuwento rin ni Janno na gusto na sana niyang palitan ang handle name niya sa Instagram na “JannoLateGibbs” pero ayaw na itong payagan ng IG dahil sa dami ng kanyang followers.

“I want to change it actually. Hindi na po ako nale-late. Absent na lang. At least nag-level up,” natatawang joke ni Janno.

Dagdag pa niyang paliwanag sa kanyang pagbabago, “Sabi ko this is my nth chance, I’m gonna do it right, I’ll have to fix myself. Kapag sinasabing late lagi, hindi naman ako sobrang late.”

Mas marami pa raw artista na nahuhuling dumating sa shooting kesa sa kanya at in fairness naman daw, may pinanggagalingan ang pagiging late niya, at yan nga ay dahil sa insomnia.

“Mine is coming from insomnia. I’m still there, there’s no cure. I’ve been to a lot of doctors, ‘Fix your sleeping habits,’ ‘I’ll give you this medicine,’” aniya pa.

Sey pa ng comedian, game raw siyang sumailalim sa kahit anong surgery para lang magamot ang kanyang insomnia.

Read more...