Aktor tumanggi sa ‘dream project’ dahil ‘di makakasama ang dating ka-loveteam

Aktor tumanggi sa 'dream project' dahil 'di makakasama ang dating ka-loveteam

MARAMI ang nanghihinayang sa dream project ng baguhang producer na willing namang gumastos ng malaki dahil alam niyang malaki ang talent fees ng mga bibida sa pelikula niya.

Sa production meeting ng dream project ng baguhang producer ay super excited siya lalo na nu’ng ilatag sa kanya ang kwento ng writer-director at iisa ang naisip nilang lahat, ang aktor at aktres na makailang beses ng nagtambal sa mga proyekto.

Nabanggit sa production meeting kung ilang digits ang talent fees ng pangunahing mga bida bukod pa sa ibang supporting artists na may mga pangalan din at mga kilalang production people na mamahalin din ang per day.

“Go” ang sagot ng baguhang producer dahil nga ‘fan’ siya ng aktor at aktres at kaagad niya itong ibinalita sa pamilya niya na makaka-work niya ang idolo nila.

Baka Bet Mo: Janelle Tee, Ava Mendez magkaiba ang pananaw tungkol sa mga customer ng ‘escort girl’

Ang ending, hindi tinanggap ng aktres ang project dahil may iba siyang pinagkakaabalahan at hindi siya makapag-focus kung tatanggapin niya ang dream project ng baguhang producer.

Ang aktor naman ay okay na tanggapin niya pero nu’ng malamang hindi ito tinanggap ng aktres ay tumanggi na rin siya dahil katwiran niya kaya niya ito tatanggapin ay dahil gusto rin niyang muling makasama ang dating ka-partner at na-miss na rin niya ito.

Sobrang lungkot ng baguhang producer sa nangyari kaya sa kasalukuyan ay nagbi-brainstorming sila ulit ng production team kung sino ang puwedeng ipalit at babagay sa istorya ng pelikula na posibleng kumita sana kung natuloy ang aktor at aktres dahil marami silang supporters.

Inalam naming kung ano ang pinagkakaabalahan ng aktres, “personal po, eh.” ito ang sagot ng aming napagtanungan.

Read more...