Mura nasunugan ng bahay, nakatira sa waiting shed

Mura nasunugan ng bahay, nakatira sa waiting shed

KASALUKUYANG nakatira sa waiting shed ang dating komedyanteng si Allan Padua o mas kilala bilang si Mura matapos matupok ng apoy ang kanilang tirahan.

Nitong Sabado, April 27, nagkaroon ng sunog sa Purok 3, Sitio Abibling, Ligao City, Albay kung saan nakatayo ang bahay ng komedyante.

Kaya naman humihingi ng tulong si Mura dahil walang naisalbang gamit ang kanilang pamilya mula sa nangyaring sunog.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang vlogger na si Virgelyncares sa kanya.

Baka Bet Mo: Daniel sa viral na pagmumura sa birthday party: ‘OA ng mga tao! Relax!’

Ang kanilang muling pagkikita ay ibinahagi nito sa kanyang Facebook page.

Umiiyak na yumakap si Mura kay Virgelyn nang makita ito.

“Noong 5:30 ng hapon, nag-bunot si Papa sa niyog […] Gusto niyang itaboy yung honey para mawala ‘yung ligwan. Nagdala siya ng bunot na may apoy para pausukan para umalis ‘yung bubuyog.

“Siyempre matanda na si Papa, malabo na ang mata. Siguro may nahulog na baga galing sa bunot […] Hindi pa namin siya napansin. Talagabg nag-apoy siya nang malakas mga 9:30 na ng gabi,” lahad ni Mura.

Inamin rin ni Mura na sa ngayon ay hindi muna siya nagba-vlog dahil naging mahina na rin ang kanyang paa.

Binigyan naman siya ng P10,000 pesos ni Virgelyn para sa pagbili ng yero para sa kanilang ipapagawang bahay.

Matatandaang unang nakilala si Mura bilang ka-partner ng namauyapang si Mahal sa noontime show noon na “Magandang Tanghali Bayan”.

Sa ngayon ay pansamantalang naninirahan ang pamilya ng dating komedyante sa waiting shed na malapit sa kanilang tirahan noon.

Marami na ring nagpaabot ng tulong kay Mura kabilang na ang Ako Bicol Party-list.

Read more...