HINDI naging madali para sa aktres at celebrity mom na si Bianca King ang mag-adjust nang iwan niya ang Pilipinas at manirahan sa Australia.
Nilinaw ni Bianca na hindi talaga niya pinlano ang mag-stay sa Australia for good, nangyari na lang ito dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic sa halos lahat ng bansa sa mundo.
Ayon sa dating Kapuso actress, aksidente lamang ang pananatili niya at ng kanyang pamilya sa naturang bansa dahil nga doon siya inabutan ng lockdown dahil sa pandemya.
Sa loob ng halos tatlong taong pananatili sa Australia, doon nga nangyari ang ilang highlights sa buhay ni Bianca — ang pagpapakasal sa asawa niyang si Ralph Wintle, ang kanyang pagdadalang-tao at ang pagsilang sa kanilang anak na si Sadie.
Baka Bet Mo: Liza may mas matinding dahilan kung bakit gustong magka-career sa US; paano na nga kaya si Enrique?
Sa panayam ng “24 Oras Weekend”, inamin din ni Bianca na napakarami niyang naranasang challenges sa mga unang taon ng kanyang sariling pamilya sa Australia.
Kabilang na nga riyan ang pagkakaroon niya ng postpartum depression.
“During pregnancy that was a different story. I think postpartum was an entirely different story as well.
“It wasn’t the easiest experience for me and motherhood in the earliest days of postpartum is so isolating already,” sabi ng aktres.
Dagdag pa niya, “Ilagay mo ‘yung isang babae sa isang foreign country na walang pamilya, walang close friends nearby. It was very tough for me.”
Baka Bet Mo: Angel loyal Kapamilya: Hindi mo sila iiwan habang naghihirap, habang may pinagdaraanan…
Naibahagi rin niya na kinailangan nilang iwan ang tinitirhan nilang bahay sa Sydney at humanap ng bagong bahay nang isilang si Sadie dahil tumaas na ang renta nila roon.
Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanang challenges sa buhay may-asawa, napagtagumpayan naman ni Bianca ang lahat ng ito, dahil na rin sa pagmamahal niya sa asawa at anak.
“I just have to remain grateful that this is the kind of life that she was born into. Ganito ang hangin na nai-inhale niya every single day,” sabi ng aktres.
Samantala, kahit super busy bilang wifey and mommy, hindi pa rin naman pinababayaan ni Bianca ang kanyang sarili. Hinahanapan talaga niyang oras ang pagpi-pilates at ang hobby niyang pottery making.
“There comes a point also that you have to strike a balance. Mama has to fill her cup. Hindi naman puwedeng puro family na lang and napapabayaan mo na ‘yung mga interests mo and hobbies mo,” chika ni Bianca.
At sa tanong kung ano ang pinakanami-miss niua sa Pilipinas, “Of course my friends, my work. I miss just being able to get into a car and drive to the beach. Nagagawa din naman dito pero ang lamig ng tubig. I miss tropical waters.”
Ikinasala sina Bianca at Ralph noong 2021 at biniyayaan sila ng isang anak, si Sadie na isinilang noong March, 2023. Si Ralph nga pala ay kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle.