Daniel ibinandera ang bagong business, nagtayo ng theme park sa Batangas

Daniel ibinandera ang bagong business, nagtayo ng theme park sa Batangas

IBINANDERA ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang opening ng kanyang bagong negosyo.

Isang theme park sa Tanauan, Batangas na nagngangalang J Castles ang binuksan sa publiko ngayong araw kung saan isa siya sa mga co-owners.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang isang reel habang ibinabandera ang bagong bukas na theme park.

“A dream within a dream,” saad nito sa caption.

Bukod pa rito, nag-post rin siya sa kanyang Instagram story kung saan makikitang nakatayo siya sa gitna ng palasyo.

Baka Bet Mo: Daniel malutong na nagmura habang kumakanta, apektado sa KathDen?

Marami naman sa mga fans at supporters ni Daniel ang nagpakita ng pagsuporta sa bagong business venture na kanyang pinasok.

“My hometown!!! Im bringing the whole family,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ampogi talaga tas yong appeal sobrang lakas ma ala Jerry Yan Ang appeal…congrats our supremo, forever supporting you kahit my kimpau nako, Isa ka talaga sa sinusuportahan ko, from a kathniel fan b4, Ngayon Kay dj lang mananatili…”

“Congrats boss you deserve all the blessings. we love you always!” sey naman ng isa.

Kamakailan lang ay nagbukas rin si Daniel ng food business sa Dubai.

Mukha namang unti-unti nang nakaka-move on at mas nagpo-focus ngayon ang binata sa iba’t ibang negosyo matapos ang pinag-usapang break up nila ni Kathryn Bernardo.

Matatandaang noong November 2023 nang kumpirmahin mismo ni Kathryn na wala na sila ng binata.

Tumagal rin ng 11 years ang kanilang relasyon.

Read more...