BINI itinigil ang performance sa Bangus Festival; ilang fans hinimatay

BINI itinigil ang performance sa Bangus Festival; ilang fans hinimatay

BINI (Photo from BINI X page)

MAY mga nahilo at hinimatay umanong mga fans habang nagpe-perform ang P-Pop all-girl group na BINI sa Dagupan City, Pangasinan bilang bahagi ng annual Bangus Festival.

Dahil dito, kinailangang itigil ng mga miyembro ng BINI ang kanilang performance on stage upang hindi na lumala pa ang sitwasyon sa naturang event.

Base sa mga naglabasang video sa social media, makikita ang ilang tao sa audience na nahimatay dahil sa tindi ng init sa lugar.

Baka Bet Mo: ‘One Dream’ concert ng BINI at BGYO trending worldwide; ang titindi ng prod numbers

Base sa report, nai-record sa Dagupan City kahapon ang highest heat index sa bansa na umabot sa 48 degrees Celsius, kaya naman talagang ramdam na ramdam ang nakakapasong init sa naturang lugar.


Ayon sa ilang netizens na naroon sa venue ng concert, “traumatizing” ang naranasan nila kahapon at marami rin ang nagsabi sa kanilang mga post sa socmed na, “dozens of people dropping like flies.”

“It was traumatic, no sugarcoating. Sa harap namin lahat dinadaan kasi it was the fastest way. The [BINI] girls got distracted too kasi even sila mismo ung nakakita dun sa ibang nagaask ng help. Maski kami sobrang traumatized kasi bawat lingon ko may sumisigaw ng ‘medic,’” sabi ng isang netizen.

Baka Bet Mo: BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

Sa kanilang X account (dating Twitter) naman, nag-post ng kanilang mensahe ang ilang members ng BINI para sa lahat ng nasaktan, nahilo at nahimatay sa naganap na programa sa Bangus Festival.

“Maraming salamat Dagupan! Sana safe kayong nakauwi lahat. Sobrang saya naming makita kayo pero nakakalungkot lang din na may mga gano’ng nangyari kanina. Salamat sa pagmamahal at sana sa mga susunod na ganap, unahin natin ang safety ng bawat isa,” ang post ni Jhoanna Robles.

May paalala rin si BINI Gwen sa lahat, “Please hydrate everyone iba ang init ngayon. see you sa susunod na ganap blooms!”


Nag-sorry naman si BINI member Colet sa nangyari kahit wala naman talaga silang kasalanan,  “Be safe everyone! sorryyyy need namin i-stop yung performance. we don’t want to cause any harm sa inyooooo! but still thank you sa cheer, love, and support!!!! WE LOVE YOU BLOOMS. update kayo pag nakauwi naaaaa.”

Isang diehard fan naman ng grupo ang nagkomento ng, “No need to say sorry colet. it’s for everyone’s safety din. thank you for attending to the needs nung mga nasa event. we appreciate you, sobra! labyuuuu. i hope you and the other girls are okay too.”

Ayon naman kay BINI Aiah, “It breaks my heart to hear and see that people were affected by the heat and exhaustion.”

Sa ulat ng ABS-CBN, kinumpirma ng Disaster Risk Reduction and Management Officer sa Dagupan City na si Ronaldo De Guzman na may mga nawalan talaga ng malay habang ginaganap ang event.

Siniguro rin niya na agad rumesponde ang  kanilang medical officers at mga volunteer na naka-standby sa naturang lugar at kinumpirma na wala namang serious injuries na nangyari.

Read more...