JERON TENG pinataas pa ang rating ng Got To Believe


Kalokah ang Teng Brothers na sina Jeric at Jeron, huh! Inikot na ata nila lahat ng TV shows sa Pilipinas. Aba, e, halos araw-araw nakikita naming sila sa TV.

Plus, of course, ang kanilang parents na sina Susan at dating PBA cager na si Alvin.  Last time we saw them, guests sila sa Celebrity Bluff ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Tinalo nila ang magkapatid na Rap at Renz Fernandez. Pero bago ‘to, pati drama show, e, nilalabasan nila. Hindi nga ba’t sinulat namin dito na napanood namin si Jeron sa serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Got To Belive sa ABS-CBN Primetime Bida?

May cameo role si Jeron sa Got To Believe na gabi-gabing napapanood sa Kapamilya network. And would you believe na ang naturang guesting ni Jeron sa Got To Believe, e, nakadagdag sa taas ng rating ng show, huh!

Tumaas ng 1.3 ang rating ng show ayon sa AGB Mega Manila. Dahil diyan, ‘di na kami magugulat kung lalabas ulit sa Got To Believe si Jeron.

Dumalas man daw ang offer na mag-special appearance ang magkapatid na Teng sa teleserye, malabo pa sa ngayon na pasukin nila ang pag-aartista. Basketball pa rin daw ang focus ng magkapatid.

( Photo credit to INS )

Read more...