Regine, Ogie super proud sa anak na sasabak na sa junior high school

Regine, Ogie super proud sa anak na sasabak na sa junior high school

PHOTO: Instagram/@ogiealcasid

EMOSYONAL ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ngayong tutungtong na sa junior high school ang kanilang only son na si Nate.

Sa kanya-kanyang Instagram page, proud na ibinandera ng celebrity couple ang pagtatapos ng kanilang anak sa grade school.

Pareho nilang ipinakita ang litrato ni Nate na ngiting-ngiti sa camera at nakasuot ng white toga.

Caption ni Ogie sa kanyang post, “And just like that he is moving up to junior high school. Nakakaiyak.”

Mensahe pa niya, “Fly high my son. Love you so much.”

Baka Bet Mo: Pacman proud na proud sa pagkapanalo ni Jimuel sa junior welterweight fight sa US

Wika naman sa IG ng Asia’s Songbird, “My Boo is graduating. Ang bilis ng panahon,” kalakip niyan ang hashtag na “my pogi boo.”

Sa comment section, maraming fellow celebrities ang nagpaabot ng “congratulatory” messages para sa milestone ni Nate.

Ilan lamang sa mga tuwang-tuwa ay sina Melai Cantiveros, Vicki Belo, Pops Fernandez, Erik Santos, Ryan Agoncillo, Amy Castillo, Jessa Zaragoza at Kuh Ledesma.

Proud na proud din ang dating asawa ni Ogie na si Michelle van Eimeren na nagkomento rin sa post.

Kung matatandaan, December 2010 nang ikinasal sina Ogie at Regine.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan sila anak na si Nate.

Nauna nang sinabi ni Regine na maliban sa kanyang ilang dekada na karera sa mundo ng showbiz, ang kanyang 12-year-old son ang magsisilbing “legacy” niya.

“Para po sa akin, ang akin pong legacy ay ang aking anak because people will forget about me, will forget about my voice, and what I’ve done in the industry, but my son will always remember me. So my son is my legacy,” lahad ng batikang singer.

Read more...