Miel Pangilinan sinagot ang chikang anak siya ni Rico Blanco

Miel Pangilinan sinagot ang chikang anak siya ni Rico Blanco

Miel Pangilinan

BINASAG na ni Miel Pangilinan ang mga kumakalat na espekulasyon na diumano’y anak siya ng singer-songwriter na si Rico Blanco.

Nitong Miyerkules, April 24, nagbahagi siya ng dalawang larawan sa kanyang TikTok account. Sa una ay ang larawan nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Mababasa sa ginawang caption ni Miel ang mensahe sa kanyang mga magulang.

“thank u for creating me [heart emoji] i’m forever thankful for the support i get from the both of you, i am who i am because of you.

Baka Bet Mo: Mensahe ni Miel Pangilinan ngayong Pride Month: There’s still so much we’re fighting for in this country…

“i love you both forever and ever. [heart emoji],” saad ni Miel.

Agad namang umani ng samu’t saring komento ang kanyang naging post.

Hirit ng isang netizen kay Miel, “anak daw yan ni rico Blanco [lauging in tears emojis].”

Tila sinakyan na lang ito ng dalaga at sinabing, “hindi daw sabi nya [lauging in tears emojis]”

Samantala, may mga netizens naman na nagsabing huwag na lamang pansinin ni Miel ang mga hindi magagandang comment ng ibang netizen.

Read more...