TSIKAHAN sa mga showbiz events na mukhang ang Star Cinema ang magwawagi ngayong 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sure na blockbusters ang mga pelikulang entry nila.
Bagama’t hindi pa inaanunsyo kung ano ang mga pelikulang pasok ay sigurado na ang Kathryn Bernardo at Alden Richards tandem na “Hello, Love, Goodbye 2” na ididirek ni Cathy Garcia–Sampana at kung tama ang pagkakaalam namin ay co-producer ang MYRIAD na pag-aari ng aktor.
Mukhang pang MMFF din ang “And The Breadwinner is…” na pagbibidahan ni Vice Ganda na ididirek ni Jun Robles Lana na co-producer si Vice Ganda at line-produce ng IdeaFirst Company.
May nagbulong din sa amin na entry din sa 50th year ng MMFF ang “Un/Happy For You” movie ng balik-tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia na tiyak na maraming naka-miss sa JoshLia na ididirek ni Petersen Vargas na co-produce ng Viva Films.
Baka Bet Mo: Vic Sotto ‘surprise’ ang pagsali uli sa MMFF; payag maka-collab si Vice
Sakto ang genre ng mga nabanggit na pelikula dahil romantic comedy ang “HLG2” at “Un/hHappy For You” at comedy drama naman ang “And The Breadwinner is…”
Bale ba ang hinahanap ngayon ng MMFF committee ay more on comedy dahil nga last 2023 ay iisa lang ang napanood, ang “Becky and Badette.”
Pawang malalaking artista ang mga bida ng nabanggit na pelikula na pwedeng pumantay sa 2023 MMFF dahil ito ang hiling din na sana malalaking artista rin ang kasali sa golden year ng Metro Manila Film Festival.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala kaming nabalitaang may isasaling horror movies o baka nagpapakiramdaman pa.
Inanunsyo naman na ng Mentorque Productions na ang entry nial ay “Biringan” at isa itong fantasy na wala pang binanggit kung sino ang cast at sino ang direktor, kaya abangan na lang natin.