KAHIT nag-uumpisa pa lang sa fashion world, tila kinabog na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang ilang fashion influencers mula sa iba’t-ibang bansa.
Siya kasi ang napiling bigyan ng “Global Fashion Influencer of the Year” award sa ikaapat na edisyon ng EMIGALA Fashion & Beauty Awards na gaganapin sa April 27 at 28 sa Dubai.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing event ay isang star-studded ceremony na may layuning kilalanin ang ilang miyembro at contributors pagdating sa fashion and beauty industries mula sa iba’t-ibang lupalop ng mundo.
“The EMIGALA focuses on highlighting the different lifestyles and cultures present in different parts of the globe and how they are reflected and interpreted in the world of fashion and beauty,” saad sa bio ng YouTube channel ng EMIGALA.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach muling nakita ang ‘kakambal’ na wax figure sa Singapore
Kahit first time maging attendee ng Milan at Paris Fashion Weeks last Year, na-secure ni Pia ang ika-anim na pwesto ng “most visible influencers” mula sa listahan ng influencer marketing platform na Lefty.io.
Ito ay matapos kumita ang beauty queen ng USD 2.95 million o P166.9 million in media value (EMV) dahil sa kanyang social media presence sa fashion week events.
“I’ve done New York Fashion Week before. When you are Miss Universe, they usually put you in fashion week, and it is usually the one in New York,” sey ni Pia sa nakaraang interview with CNN Philippines.
Ani pa niya, “I did a few [shows] in New York, but I never experienced the ones in Europe like Milan or Paris.”
At that time rin nang magpaabot ng isang taos-pusong mensahe ang kanyang mister na si Jeremy Jauncey bilang unti-unti nang nakakamit ni Pia ang kanyang mga pangarap sa international fashion scene.
“Quietly, under the radar, you grinded. And grinded. And grinded. And despite even as early as this year being told you’d never make it to fashion weeks and your best years were behind you, you did. And you delivered. To a level even we didn’t hope for in our wildest dreams,” pahayag ni Jeremy.
Dahil sa pagsabak ni Pia sa fashion world, madalas siyang ikumpara sa fashion icon Heart Evangelista.
Pinaalalahanan ng Miss Universe 2015 ang bashers at mga taga-suporta na tigilan na ang paninira at huwag dapat pag-awayin ang mga babae sa isa’t-isa dahil maraming paraan upang sumikat at magningning ang lahat.