HINDI pa rin pala maayos ang sitwasyon at relasyon ng dating aktres na si Bunny Paras sa ex-partner niyang si DJ Mo Twister.
Inamin ni Bunny na hindi pa rin sila in good terms ni DJ Mo dahil sa mga pinagdaanan nila noon bilang magdyowa hanggang sa maghiwalay a few years after.
Pero kahit daw hindi pa rin sila okay, inimbita pa rin ni Bunny ang dating TV host sa magaganap na wedding ng kanilang anak na si Moira Greenway.
Baka Bet Mo: Mo Twister nag-react sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA
Kuwento ni Bunny, in fairness naman daw ay naging happy din naman ang naging pagsasama nila noon ni DJ Mo pero hindi lang talaga naging maganda ang breakup nila.
“Me and Mo would party a lot kasi nga DJ siya sa radio station, marami siyang events. Kung babalikan ko yung good times ng ex ko, masaya din naman. May mga party talaga kami na enjoy together,” ang pahayag ng former actress sa interview sa kanya ni Snooky Serna.
Mapapanood ang naturang vlog sa YouTube channel ni Snooky kung saan nakasama rin ni Bunny ang nakatatandang kapatid na si Sharmaine Arnaiz.
Inamin naman ni Sharmaine na siya ang naging daan para magkakilala at magkainlaban ang kanyang sisteraka at si Mo Twister.
Chika ni Sharmaine, “Talagang happy kami together kasi si Donita (Rose) best friend ko. Best friend ni Donita si Mo.
“Kaya naman sila nagkakilala ni Mo dahil din naman sa akin. So, magkakasama talaga kami in one house,” anang aktres.
Nu’ng una raw talaga ay okay na okay ang pagsasama nina Bunny at Mo hanggang sa magkahiwalay na nga at magkaproblema pagdating sa kanilang co-parenting agreement.
Baka Bet Mo: Mo Twister kinuyog ng Blinks matapos pasikretong kunan ang BlackPink, Rhian Ramos damay
Nang tanungin mga kung kumusta na sila ngayon ni Mo, “Siyempre, wala talaga kaming good relationship.
“Because siguro vocal din kasi ako…kapag sinasabi ko na, ‘O, I wish, you know, this and this would have been, what could have happened.’ Yung parang may support ako sa kanya.
“But, hindi nga ganu’n ang ending. Nagbabangayan from the start nu’ng naghiwalay kami. It was more, like, marami rin akong isasagot pag tinanong ako. Hindi ko pini-filter,” ang sey pa ni Bunny.
“Di katulad ngayon. Parang may nagga-guide sa yo, ‘O, huwag kang magsasalita, ah.’ Mag-submit ka lang ng isang statement, ‘All is good.’
“Siyempre, kapapanganak mo lang. Yung hormones mo, inis mo, galit ka pa, immature ka pa.
“Pero kung ngayon na nila ako tinanong, ‘Sige, magkaibigan na lang tayo. Basta bayaran mo ‘to ah.’ Di ba? Puwede kong sabihin yon,” lahad pa ni Bunny na masaya nang namumuhay sa Amerika kasama ang kanyang sariling pamilya.
Sa isang panayam noon, nabanggit ni Bunny na halos wala talagang partisipasyon si DJ Mo sa pagpapalaki at pag-aalaga niya sa kanilang anak.
At sa kabila nga ng mga nangyari sa kanila, invited pa rin si Mo sa kasal ng anak nilang si Moira sa fiancé nitong si Nick Asbury.
Hirit ni Sharmaine na okay naman ang pakikitungo kay Mo, “Abangan ang susunod na kabanata. Sana behave. Walang away dapat. Araw ni Moira yon.”
Sagot naman ni Bunny, “At saka yung asawa ko mabait kay Mo, ah, nu’ng nakita siya before.”
Sey sa kanya ni Sharmaine, “So, ibig sabihin ikaw lang ang hindi mabait.”
Na sinagot ni Bunny ng, “Anong hindi mabait? Ako lang yung may nararamdaman kasing ano, di ba?”
“Kaya nga, basta all for Moira on her wedding day, all should be good,” sabi uli sa kanya ng kapatid.