TALAGANG nag-enjoy ang actress-director na si Bela Padilla sa nagdaang pangalawang kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinandera nito ang kanyang mga nakuhang larawan habang ipinagdiriwang ang pagmamahalan ng dalawa.
Bukod sa mga larawan ay may mga videos rin ng mga kaganapan sa kasal ang ibinandera ni Bela.
“Please get married every year, @iamangelicap and @gregg_homan [laughing and heart emoji],” panimula ng aktres.
Baka Bet Mo: Bela Padilla, Swiss boyfriend 4 years na: ‘Excited for our lives together’
Pagpapatuloy ni Bela, “[I]t was so lovely to witness your wedding ceremony the second time around.”
Aniya, sobrang heartfelt, meaningful, at intimate ng kasal ng dalawa na talagang na-enjoy niya.
“Thank you for bringing the best people together for the perfect party! And for having me and @nocir witness your love,” pagbabahagi pa ni Bela.
Super happy rin siya dahil naka-bonding niya rin ang iba pang kaibigan at kapamilya ni Angelica na hindi siya itinuring na iba.
“Loved hanging out with friends, Angelica’s family that also treats her friends like family and our colleagues who I haven’t really seen too much since the pandemic,” ani Bela.
Na-shoutout rin niya ang isa pang miyembro ng AngBeKi na si Kim Chiu.
“And of course, the best kapasyalan to have… @chinitaprincess I always love seeing you happy and thriving! Will always celebrate life with you,” sey pa ni Bela.
Samantala, maraming netizens naman ang nag-usisa sa dalaga kung siya na ba ang susunod na ikakasal.
“You next? [heart emoji] We love you angbeki,” tanong ng isang netizen.
Simpleng sagot naman ni Bela, “Nope.”