NAKARAMDAM ng sobrang pagka-guilty ang OPM artist na si Rachel Alejandro nang masaktan niya ang damdamin ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Nangyari ito noong nakasama niya ang TV at movie icon sa isang proyekto pati na ang ilan pang veteran stars ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Kuwento ni Rachel, hindi siya aware na nagtampo pala sa kanya ni Mang Dolphy nang dahil sa pagiging seryoso at sobrang focus niya sa trabaho. Inakala tuloy ng mga katrabaho niya na suplada siya at hindi namamansin.
“Medyo na-misinterpret nila ‘yung seriousness of the face. As they say ‘di ba, ‘resting b**** face,’” lahad ni Rachel sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
“So driven. And I’m always thinking of what I’m going to do, hindi ako puwedeng magkamali, to the point na unfortunately may legends in the industry na minsan nadadaanan ko sila sa hallway tapos hindi ko napansin dahil I’m thinking about my lyrics. Na-offend sila,” paliwanag pa niya.
Nalaman ni Rachel na isa sa mga nagsabing hindi siya namamansin at nagbibigay-pugay sa mga veteran stars ay si Mang Dolphy.
“Sabi niya, ‘Iyang si Rachel Alejandro hindi marunong magbigay ng respeto.’ Tapos talagang ‘Tito Dolphy!’ talagang apologies. ‘I didn’t see you,’” sey ng actress-singer.
Mula raw noon ay naging aware na si Rachel sa mga kaganapan sa paligid niya. Natutunan na raw niya ang ngumiti at mamansin sa mga tao.
“That would happen before, that does not happen anymore. Kasi now, as an older person I know na na I’m in the room, I have to greet everyone, I have to smile.
“Kasi alam ko na eh na ate, hindi ganu’n ka-friendly ang mukha mo, kailangang gumanu’n (ngumiti). Automatic na siya sa akin.
“Alam ko nang matapang ang fez (face), so kailangan may smile. Hindi pupuwede ‘yung nakaganu’n (nakangiti) lang o nakatanga because then it will be misinterpreted as being upset,” paliwanag pa ni Rachel.