Donny Pangilinan nanligaw nga ba noon kay Kathryn Bernardo?

Donny Pangilinan nanligaw nga ba noon kay Kathryn Bernardo?

Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo

TRULILI nga ba na nanligaw ang “Can’t Buy Me Love” na si Donny Pangilinan sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo?

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kung saan kasama niya sina Mama Loi at Tita Jegs ay na-ispluk nila ang chika ng kanilang source na diumano’y pinormahan ng binata si Kathryn noon.

“Minsan pala, e, pinormahan nitong isang young actor si Kathryn. As in niligawan,” pagbabahagi ni Ogie.

Natanong naman ni Mama Loi kung kailan ang naganap ang pagporma ni Donny kay Kapamilya actress.

“Hindi, wala na si Daniel at si Kathryn,” sagot ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “E ’di ba ’yong dati, ’di ba nag-viral pa ’yon? ’Yong inaalok pa si Kathryn ng ano, softdrinks, kasi baka nakainom si Kathryn, pampababa ng tama or something… ’Di ba, ‘yong inalok siya ng softdrinks.”

Baka Bet Mo: Donny tunay na lola ang turing kay Nova Villa; wish maging action star

Matatandaang nabalita rin noong kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda ang tila pagbabantay ni Donny kay Kathryn habang nagsasaya ito sa ginanap na reception.

“Basta, ’yon ‘yong nakarating lang sa akin. Ngayon, na kay Donny—ay ano ba ’yan!—nadulas tuloy ako. Hindi, nasa kanya na ’yon kung gusto niyang aminin ‘yan, na minsan pinormahan niya si, or niligawan niya si Kathryn,” natatawang sey ni Ogie.

Ngunit ang naturang panliligaw ay hindi na natuloy matapos ang mga kumalat na balita noon sa dalawa.

Tingin ni Ogie, marahil ay na-realize raw ni Donny na baka walang magandang patunguhan dahil mayroon rin siyang ka-love team na si Belle Mariano.

Samantala, wala pa namang sey si Donny kung true nga ba na may naganap na ligawan sa pagitan nila ni Kathryn.

Read more...