Vina type gumawa ng kilig movie kasama si Robin; Jo Berry waging-wagi!

Vina type gumawa ng kilig movie kasama si Robin; Jo Berry waging-wagi!

Robin Padilla at Vina Morales

NAG-ENJOY ang actress-singer na si Vina Morales sa kanyang comeback movie na “Sunny” under Viva Films and directed by Jalz Zarate.

Dito nakasama niya ang mga kaibigan at mga kapwa niya celebrities na naging kapamilya din niya sa Viva Entertainment, tulad nina Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Katya Santos, Angelu de Leon at Ana Roces.

Super thankful si Vina sa mga bossing ng Viva Films dahil nabigyan siya uli ng chance na magbida sa pelikula at makabalik sa pag-arte makalipas ang mahabang panahon.

Baka Bet Mo: Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God’s perfect time

Medyo napahinga kasi ang aktres sa paggawa ng pelikula at teleserye dahil mas nag-focus siya sa kanyang pagkanta at pagpe-perform sa iba’t ibang panig ng mundo.


Kaya sana raw ay makagawa pa siya ng mas maraming pelikula ngayong 2024 at sa mga susunod pang mga taon dahil super na-miss niya talaga ang movies.

“Ang excited ako, because it’s my parang comeback with Viva Films, after so many years na hindi ako nakapagtrabaho with Viva. And I’m always grateful to them,” ayon kay Vina.

Natanong din si Vina sa premiere night ng “Sunny” na ginanap sa SM Cinema kung sino sa mga nakatrabaho niya noon sa Viva Films ang nais niyang makasama uli.

“Obvious ba? Siyempre, ang dami kong pelikula with Robin Padilla in Viva Films.

“Siguro, that’s one of the films to work with him again after so many years. Yung mga kilig moments naman,” ang sagot ni Vina.

* * *

Bukod sa consistent high ratings, kaliwa’t kanan din ang papuri ng viewers para sa nasabing legal serye.

Baka Bet Mo: Vina Morales umaming super in love ngayon: ‘Inspired ako at kinikilig, tumitibok-tibok ang puso ko!’

Komento ng isang viewer, “Galing ni Jo Berry! She deserves this role, so proud of her! Habang tumatagal, lalong gumaganda ang kuwento. Galing ng buong cast. Marami kang matututunan sa series na ‘to.”

Mas lalo pang magiging exciting ang mga susunod na linggo dahil sa powerhouse guests at iba pang bigating kaso na haharapin ni Atty. Lilet Matias!


Kasalukuyang umeere ang episodes tungkol sa child custody case kasama ang guest stars na sina Camille Prats, Maybelyn Dela Cruz, at Direk Gina Alajar.

Susundan naman ‘yan ng hit-and-run case na lulutasin ni Atty. Lilet mula April 23 hanggang April 26. Abangan sa episodes na ‘yan ang batikang aktor na si Bodjie Pascua.

Gaganap naman bilang judge si Buboy Garovillo sa “Tinang Murder Case” na eere mula April 30 hanggang May 9. May special participation din sina Max Collins at Odette Khan sa ilang episodes tungkol sa “Inno-Trixie Rape Case.”

Paano ipagtatanggol ni Atty. Lilet ang kanyang mga kliyente? Maipapanalo ba niya ang katotohanan? Subaybayan ang “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Network, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Read more...