Confirmed! ‘TV Patrol’ eere na sa ALL TV Channel 2

Confirmed! ‘TV Patrol' eere na sa ALL TV Channel 2

PHOTO: Screengrab from Instagram/@abscbnnews, Jun Sepe

TOTOO pala ang kumalat na chika na babalik sa Channel 2 ang flagship newscasts ng ABS-CBN na “TV Patrol” at “TV Patrol Weekend.”

Magugunita na nauna nang isinulat ng BANDERA ang tungkol diyan dahil sa viral post ng Chakapuso 2 Facebook account na ang sinasabi nga ay mapapanood na ang mga nasabing programa sa ALLTV simula ngayong April 15.

Nagtanong pa nga ang aming team sa mga taga-ABS-CBN, pati kahit sa news anchor ng TV Patrol na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, ngunit lahat sila ay nagulat at sinabing hindi nila alam na may ganitong ganap.

“Honestly – ang tagal na that we don’t have a franchise, so we’ve adapted and thrived in the digital space. If babalik sa ALL TV, sana nga talaga – but I only heard it on Socmed too,” sey ni Bernadette.

Dagadag niya, “Right now ang klaro lang, we are ABS-CBN wala ng Channel-Channel. We Focus on Our Service to the Filipino sana mapanood tayo in ALL platforms!”

Baka Bet Mo: Christian Bables ‘dream come true’ ang makasama sina Kabayan, Karen, Henry at Bernadette sa ‘TV Patrol’: ‘Pangarap ko lang ito noon…’

Pero heto na nga, confirmed na confirmed ang mga balita na kumalat sa social media!

Noong April 13, opisyal nang inanunsyo ng broadcast journalists na sina Alvin Elchico at Zen Hernandez na mapapanood na simula ngayong araw, April 15, ang dalawang flagship newscasts sa Manny Villar-owned TV network.

“Mga Kapamilya, taos puso kaming nagpapasalamat sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ‘TV Patrol’ at sa ‘TV Patrol Weekend.’ Simula sa Lunes, April 15, mapapanood nyo na rin kami sa ALLTV,” sey ni Alvin bago matapos ang programa.

Dagdag ni Zen, “Samahan nyo po kami sa aming pagbabalita araw-araw.”

@abscbnpr Mga Kapamilya, mapapanood na rin ang longest-running primetime newscast sa bansa na #TVPatrol sa #ALLTV simula April 15! Patuloy pa rin ang pagbabalita sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News YouTube channel, at sa DWPM 630/TeleRadyo Serbisyo. #ABSCBN #ABSCBNNews #Kapamilya #ABSCBNPR #fyp ♬ original sound – ABS-CBN PR

Maliban sa ALLTV, ang “TV Patrol” ay eere rin sa A2Z, ANC, Kapamilya Channel, Teleradyo Serbisyo at radio channel na DWPN.

Kung maaalala, ang ALLTV frequency ay dating pagmamay-ari ng Kapamilya network, ngunit ito ay pinasara ng Telecommunications Commission (NTC) noong 2020. 

Nag-off air ang kumpanya noong May 5 ng parehong taon.

Read more...