BATA man o matanda ay maaaring tamaan ng heat stroke dahil sa mas tumitindi pang init na nararanasan natin ngayong summer season.
Itinuturing na pinakamapanganib ang sakit na ito tuwing panahon ng tag-init kaya dapat nating triplehin ang pag-iingat lalo na sa mga kababayan natin na nabibilad o nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw.
Kaya naman naglista kami ng ilang mahahalagang impormasyon mula sa mga eksperto tungkol sa heat stroke at kung paano ito maiiwasan.
Ang heat stroke o sun stroke ay isang seryosong uri ng sakit sa init ay tinatawag ding medical emergency dahil maaari itong makamatay o magdulot ng matinding pinsala sa utak at iba pang bahagi ng katawan.
Baka Bet Mo: Baguio nakapagtala ng 12.2 °C nitong Pasko, pinakamalamig na temperatura ngayong taon
Bagamat ang heat stroke ay madalas nakakaapekto sa mga may edad na 50 anyos pataas hindi rin nakakalusot dito ang mga malusog at batang atleta, maliliit na bata at maging matataba o overweight na tao. Narito ang ilan sa mga sanhi ng heat stroke.
*Pagtambay sa mainit na lugar
Ang pananatili sa isang lugar na sobrang init ay nagiging dahilan para umangat ang temperatura ng katawan.
*Rampa pa more
Ang pagtatatrabaho o pagrampa nang mahabang oras sa initan ay nagdudulot ng heat stroke lalo na kung ikaw ay hindi sanay sa mainit na temperatura.
*Bonggang-bonggang OOTD
Ang pagsusuot ng maraming damit sa katawan na pumipigil sa pawis na madaling matuyo at magpalamig sa katawan.
*Laklak ng alak at kape na
Nakakaapekto sa abilidad ng katawan ng tao ang pag-inom ng mainit na kape at anak kapag matindi ang init ng panahon
*Dehydration Boobay inabuso ang sarili kaya na-stroke; hindi nagalit nang hiwalayan ng dyowa
Ang matuyuan o mawalan ng tubig sa katawan bunga ng hindi pag-inom ng sapat na tubig para mapalitan ang likidong nawawala bunga ng pagpapawis ay nagiging dahilan para maapektuhan ng heat stroke.
*Ang pag-take ng mga gamot tulad ng diuretics at antihistamines ay nakakadagdag ng peligro sa heat stroke.
Mga Sintomas ng Heat Stroke
*Pag-akyat ng temperatura ng katawan sa mahigit 40°Celsius (104° Fahrenheit)
*Pagkahimatay na halos katulad ng atake sa puso o iba pang kondisyon na nararanasan ng katawan.
Baka Bet Mo: GMA Films executive Annette Gozon na-stroke; nalamang may butas ang puso
*Pumipintig na sakit sa ulo
*Pagkahilo at panghihina
*Kawalan ng pawis kahit na mainit
*Mapula, mainit at tuyong balat
*Panghihina ng kalamnan o pamumulikat
*Pagkahilo at pagsusuka
*Mabilis na pagtibok ng puso na maaaring malakas o mahina
*Mabilis at mababaw na paghinga
Pagbabago sa ugali tulad ng pagkalito o pagsuray-suray
*Kumbulsiyon
*Halusinasyon
Paano maiiwasan ang Heat Stroke?
*Magsuot ng maluwag at magaan na damit. Ang pagsuot ng sobra o masisikip na damit ay nagiging sanhi para hindi makapagpalamig o maging presko ang katawan ng tama.
*Protektahan ang sarili laban sa sunburn. Ang sunburn ay nakakaapekto sa abilidad ng katawan na magpalamig kaya protektahan ang sarili kapag nasa labas gamit ang payong, malapad na sumbrero at sunglasses. Gumamit din ng sunscreen na may sun protection factor (SPF) na 15 o higit pa.
*Uminom ng maraming tubig para makaiwas sa dehydration. Ang pagkakaroon ng sapat na tubig sa katawan ay nakakatulong para magpawis at mapanatili ang normal na temperatura nito kaya uminom ng maraming tubig.
*Maging maingat sa paggamit ng ilang gamot. Bantayan ang anumang problema sa init kung iinom ng gamot (tulad ng diuretics at antihistamines) na makakaapekto sa kakayahan ng katawan na magpanatili ng tubig at magpawi ng init.
*Maghinay-hinay sa mga aktibidad sa pinakamainit na parte ng araw. Kung hindi maiiwasan ang matinding aktibidad sa mainit na panahon, uminom ng maraming likido at magpahinga sa malamig na lugar.
*Huwag iwanan ang sinuman sa loob ng nakaparadang sasakyan. Ito kasi ang karaniwang sanhi ng kamatayan mula sa init ng mga bata. Kapag nakaparada sa araw, ang temperatura sa loob ng sasakyan ay umaakyat ng mahigit 6.7 C (20 degrees F) sa loob ng 10 minuto.
*Tingnan ang kulay ng iyong ihi. Kung nangingitim ang iyong ihi senyales na ito ng dehydration. Siguraduhing uminom ng maraming likido para mapanatili ang malinaw na kulay ng ihi.
Narito naman ang ilang mga dapat gawin kapag may tinamaan ng heat stroke. Ang heat stroke ay isang emergency situation kaya tumawag agad ng tulong medikal.
1. Habang naghihintay ng tulong medikal, dalhin agad sa malamig na lugar ang pasyente at kung maaari ay hubaran ng damit na nakasasagabal sa kanyang paghinga para bumaba ang temperatura ng kanyang katawan. Maaaring sa ilalim ng puno o kung saan may lilim ito dalhin kung nasa labas o kung nasa bahay, mainam na itapat ito sa harap ng electric fan o aircon.
2. Ihiga ang pasyente upang mapaganda ang daloy ng dugo sa kanyang utak.
3. Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa katawan ng pasyente.
4. Lagyan ng ice packs ang kilikili, pulso, singit, leeg at likod ng pasyente para mapababa ang temperatura ng katawan nito dahil ang mga lugar na ito ay may mataas na konsentrasyon ng blood vessels.
5. Kung gising o may malay ang pasyente, puwedeng painumin ito ng tubig.