IBANG level at tunay nang pang-international ang isa sa mga miyembro ng Blackpink na si Lisa!
Pumirma kasi siya ng partnership with RCA Records, isang American record label na pagmamay-ari ng Sony Music Entertainment.
Ayon sa kumpanya, nakatakda silang ikasa ang solo album ng Korean idol na ipo-promote globally.
“I’m super excited to be joining the RCA family and I am confident they are the best team to create a bigger movement in my solo career. Looking forward to showing the world everything we have been preparing,” sey ni Lisa sa isang press statement.
Saad naman ng chairman and CEO ng RCA na si Peter Edge at COO John Fleckenstein, “We are incredibly proud to partner with Lisa and Lloud. Lisa is a multidimensional talent and an irrefutable global force. We are thrilled to welcome her and her team to the RCA Records family.”
Baka Bet Mo: Lisa ng Blackpink naglunsad ng sariling artist management company
Tiniyak ng ahensya na ang lahat ng recordings na ilalabas under RCA Records ay magiging “full ownership” ni Lisa.
Ang label ay tahanan ng ilan sa mga most prominent at sikat na artists mula sa iba’t-ibang bansa.
Kabilang na riyan sina A$AP Rocky, Becky G, Doja Cat, Foo Fighters, Justin Timberlake, KAYTRANADA, Latto, Mark Ronson, P!NK, Steve Lacy, SZA, Tems, Tate McRae, Victoria Monet, WizKid, at marami pang iba.
Kung matatandaan, nagsimula ang solo career ni Lisa noong September 2021 kasabay ng pag-release ng kanyang solo debut single na “Lalisa.”
Nitong Pebrero lamang, naglunsad ang K-Pop star ng sariling management company na pinangalanang “LLOUD,” isang platform upang ibandera ang kanyang vision pagdating sa musika at entertainment.
Si Lisa ang main dancer at lead rapper ng Blackpink na nag-debut noong August 2016.