Kaye Abad dinenay nina Paolo at Patrick: Ang sasama ng mga ugali, ‘di ba?

Kaye Abad dinenay nina Paolo at Patrick: Ang sasama ng mga ugali, 'di ba?

PHOTO: Courtesy of Netflix Philippines

NALOKA ang Kapamilya actress na si Kaye Abad nang parehong nag-deny sina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan siya ng mga ito noon.

Sey ni Kaye habang natatawa, sumama raw talaga ang loob niya nang itanggi ng dalawang aktor na pinormahan siya ng mga ito noong kabataan nila.

“Ang sasama nga ng mga ugali, ‘di ba? Sabi ko talaga noong pinanood ko, ‘Dineny niyo akong dalawa? ‘Di talaga kayo proud sa ‘kin, ‘no?’” ang chika ni Kaye sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.

Patuloy ng aktres, “Sabagay, maiintindihan ko kung mali-link ka kay Anne Curtis. Mas pipiliin kong ma-link ka kay Anne Curtis kesa kay Kaye Abad.'”

Baka Bet Mo: Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Inamim naman ni Kaye na totoong may crush siya noon kay Patrick at niligawan din siya nito.

“Eh, mabait talaga si Lord sa ‘kin, binibigay Niya talaga ‘yung mga gusto ko so, niligawan ako ni Patrick. Hindi na lang siya natuloy,” aniya pa pero hindi na sinabi ang rason kung bakit ito naudlot.

Nag-try din daw si Paolo manligaw sa kanya pero “binasted” niya ito dahil sa kanilang pagkakaibigan. Feeling niya mas okay kung magiging friends lang sila ng kontrobersyal na aktor.

“Kay Paolo, ang naaalala ko, tinanong niya ako kung puwede siyang manligaw but I said no because we’re friends.

“This was after John Lloyd (Cruz, ex-dyowa niya). And then, while we were doing ‘Tabing Ilog,’ ‘yun na, nagtanong siya.

“Sabi niya, ‘Kaye, puwede ba kitang ligawan?’ Sabi ko, ‘Paolo, magkaibigan tayo,’” aniya pa.

Pero crush din daw niya noon si Paolo, “Mabait talaga si Lord! Pero medyo nale-late lang si Lord ng bigay. Crush ko siya during ‘Ang TV.’”

Ispluk pa ni Kaye, after niyang tanggihan si Paolo ay ang best friend naman niyang si Carol Banawa ang pinormahan ng aktor.

“So sabi ni Carol, ‘Kaye, nililigawan ako ni Paolo.’ Sabi ko, ‘Okay lang ‘yon,’” sey ng aktres.

Magkakasama ngayon sina Kaye, Patrick, at Paolo sa pelikulang “A Journey” na napapanood sa Netflix.

“Very lucky ako na sila ‘yung dalawang kasama ko. That’s one reason why I accepted this film also, because of the two of them,” sey pa ni Kaye Abad tungkol sa kanyang mga leading man.

Read more...