Rachel Alejandro sa ‘utang na loob’ culture ng Pinoy: I think of it as love

Rachel Alejandro sa 'utang na loob' culture ng Pinoy: I think of it as love

PHOTO: Instagram/@racheljalejandro

NAKAKATUWA na may producers na sumusugal na pagsamahin ang mga baguhang singers sa mga beteranong mang-aawit na tinitilian noong 70’s, 80’s at 90’s.

Ang mga newcomers na mga mang-aawit ay produkto ng “Tawag ng Tanghalan” ng noontime show na “It’s Showtime,” “Tawag ng Kampeon” sa GMA 7 at “Pinoy Dream Academy.”

Nabanggit namin ito dahil nakatakda silang magsanib-pwersa sa iisang concert na may titulong “Awit ng Panahon: Noon at Ngayon.”

Kabilang riyan ang OPM icons na sina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla, Kris Lawrence at ilang orihinal na miyembro ng grupong VST and Company (Male Rigor); Hagibis (Pete Gatela/ Carlos Parsons);  The Boyfriends/ Drummer of Abrakadabra (Nitoy Mallillin);  70’s Superband (John Raymundo);  8x defending champion TNT; (Edwin Cando) 7x Tawag ng Kampeon/GMA artist;  Arabelle Dela Cruz ng TNT showtime/The Clash;  (Rachel Gabreza) TNT Showtime;  Geoff Taylor ng Pinoy Dream Academy; Luzviminda Piedad ng TNT champion Showtime at (Carmela Betonio) Multi-Awarded Singer.

Ang concert ay gaganapin sa New Frontier Theater sa April 21, 8PM produced ng Avolution Inc., Pro Entertainment Production at Maillilin Music Production at ang beneficiary ay ang Anawin Lay Missions, Home for the Abondoned Elderly.

Baka Bet Mo: Hugot ni Rachel Alejandro: Relevant pa ba ako? Kakanta pa ba ako?

‘Awit ng Panahon: Noon at Ngayon’ mediacon. A musical concert for a cause featuring OPM icons Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla, Kris Lawrence and some of the original members of Hagibis, VST and Company, The Boyfriends, Abrakadabra, and the new gen artists.

Ang ganda ng naging chikahan sa mediacon dahil nagbalik-tanaw ang icons sa mga nangyari noong kasikatan nila at kung ano ang pagkakaiba ng mga awitin noon at ngayon.

nag-share din sila ng mga dapat gawin sa mga baguhang singers para mapanatili rin nila ang kanilang estado tulad ng estado ngayon nina Hajji, Rachel, Gino, at ibang miyembro ng banda na tinatangkilik pa rin.

Pero ang mainit na usapan ay natanong si Rachel bilang anak ni Hajji kung ano ang masasabi niya sa pinagde-debatehan ngayon na dapat bang alagaan ng mga anak ang magulang nila bilang pagtanaw ng utang na loob?

Nag-ugat kasi ang isyung ito at naging viral ang sinabi ni Dani Barretto, anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi na sabi niya, “Hindi ka pwede magkaroon ng utang na loob sa iyong magulang.”

Ang punto ni Dani ay kusang loob ng anak kung gusto niyang tumulong sa magulang at walang sapilitan, bagay na maraming hindi sumang-ayon sa kanya dahil pagtanaw daw iyon ng utang na loob sa magulang lalo na kung walang kakayahang buhayin ang sarili.

Para kay Rachel, “Kung iisipin mo as responsibilidad mo ang pagmamahal na ‘to dahil asawa ko ‘to or magulang ko ‘to na parang kung iisipin mo ay kasi responsibilidad ko or utang na loob ko ito sa magulang ko dahil inalagaan nila ako, pinag-aral nila ako and all that at pinagtapos nila ako na kailangan ngayon alagaan ko naman sila as they’re getting older, I don’t see it that way.”

“Kasi lalo na tayong mga Pilipino, I see it as love because you are shown love and so you love them back. So hindi mo maatim sa budhi mo siguro na pabayaan sila,” paliwanag niya.

Aniya pa, “I think of it as our culture as Filipino. I don’t think it as utang na loob, I think of it as love. And it’s the same kung hindi ka minamahal ng magulang mo, baka hindi mo rin sila ganun kamahal.”

Hindi naman itinanggi ni Rachel na malaki ang utang na loob niya sa amang si Hajji dahil nakilala siya sa loob at labas ng Pilipinas bilang anak, lalo na nu’ng binigyan siya ng pahintulot ng ama na kantahin ang awiting “Nakapagtataka” na talagang umani ito ng tagumpay at hanggang ngayon ay napapakinggan pa rin sa ibang platforms.

Sa kanyang 31 taon sa music industry ay, “wala naman akong maisip na disadvantage (kapag magkasama sila ng ama sa entablado) kasi it has been an advantage that I used.

“Talagang sinamantala ko na simula noong umpisa pa lang talaga when I was 12 years old na kinuha ako ni Kuya Germs (German Moreno) sa ‘That’s Entertainment’ and that was because nga, because of him. Siyempre nalaman niya (Kuya Germs) na kumakanta rin ‘yung anak ni Hajji.”

Dagdag pa niya, “Kasi siyempre you will always compared to someone who’s such a big star and to this day, siyempre kahit na saan ako pumunta kahit sa America where I am based right now, I am still known as his daughter. Karamihan ng Pilipino na nakatira doon ng matagal na siyempre hanggang ngayon, ganun pa rin. In that sense ‘yun ang medyo mahirap.

“Mas nakakalamang ‘yung advantage because nagkaroon ako ng magandang umpisa and the fact na talagang hindi ko madi-describe sa inyo ‘yung feeling at saya ng makasama mo ang tatay mo onstage at makasayaw at maka-duet, and it’s something that I will always be grateful for.”

Totoo naman talaga pero siyempre iba naman ang relasyon ni Rachel sa amang si Hajji kaya pawang good words ang sinabi niya kung ikukumpara naman sa iba na hindi naging maayos ang relasyon ng mga anak sa magulang nila kaya nakakapagsalita sila ng hindi pabor sa nakararami.

Pero naniniwala pa rin kami na kapag nagkaroon naman ng emergency ay hindi naman kayang tiisin ng mga anak ang magulang nila.

 

Read more...