WATCH, NOW NA: ‘Philippine Eatsperience’ ikinasa ng DOT sa Maynila

Fiesta Season na mga ka-BANDERA! Nais niyo bang tikman ang iba’t ibang putahe mula sa iba’t ibang lugar ng ating bansa? 

Huwag ka nang lumayo dahil mae-experience mo na ‘yan sa “Philippine Eatsperience” na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) sa Rizal Luneta Park at Intramuros sa Maynila.

Baka Bet Mo: Pilipinas palaban sa 2024 World Travel Awards, humakot ng nominasyon

Ang food event ay kasabay ng pagdiriwang ng Filipino Food Month ngayong buwan ng Abril at sa pangunguna ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

Ang food parks ay bukas sa publiko sa buong taon at heto ang kanilang schedules:

Noli Me Tangere Garden, Rizal Park Luneta – 7 a.m. to 10 p.m. (Friday-Sunday)

Baluarte Plano Luneta de Santa Isabel sa Intramuros, Maynila – 7 a.m. to 5 p.m. daily

Read more...