UMATRAS na ang producer at director ng isang pelikula sa pagsali sana sa 50th year ng Metro Manila Film Festival dahil nag-aalala silang baka hindi ito lumusot.
Nabalitaan at nabasa nila ang mga pinag-usapan sa ginanap na mediacon para sa bagong rules and regulations sa Golden year ng MMFF.
Sana raw ay mga sikat na artista ulit ang mga bida sa mga pelikulang isusumite ng mga producer para maraming tao ulit ang manood tulad nu’ng nakaraang taon.
Bukod sa mga sikat na artista ay dapat magaganda rin ang script at kakaiba hindi ‘yung paulit-ulit na lang para naman may ibang mapanood ang publiko sa Disyembre, 2024.
Going back sa producer at director na umatras ay hindi kasi sikat ang bida ng pelikula nila bukod pa sa parang hindi rin naman kakagatin ng manonood ang kuwento kaya minabuting hindi na lang nila ito isumite.
Tinanong namin kung ano ang plano sa pelikulang hindi na isasali sa 2024 MMFF.
“Susubukang ibenta sa Netflix o sa Prime, any streaming platform para makabawi raw sila sa nagastos,” say ng taong kasama sa production.
Napatitig kami sa aming kausap at nagkatawanan dahil iisa ang nasa isip namin, “Tanggapin kaya?”
Sabay sabi sa amin, “Sabagay, ‘yung pelikulang sikat na artista ang bida hindi tinanggap sa Netflix, ito pa kayang pelikula namin? Ha-hahaha! Uy, ‘wag naman ganu’n.”
Hayan hindi na kami sumagot. Bigla tuloy naming naalala ang sabi ng nakatsikahan namin tungkol sa mga pelikulang isasali sa MMFF.
“Sana naman ‘wag naman ‘yung mga has been ang isali sa pelikula, not for anything else, sayang kasi ang ibabayad din nila dahil tiyak na hindi mapipili,” sambit ng kausap namin.
May bayad kasing P30,000 at 50,000 para sa script upon submission, paano kung hind inga naman mapili, sayang din, di ba?