CONFIRMED! Tuloy na tuloy na ang season 2 ng hit Korean action-drama series na “Vagabond” na pinagbibidahan ni Lee Seung-gi.
Yan ang ibinalita ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na isa sa magiging producer ng naturang proyekto.
Ayon sa dating gobernador, tinatapos na raw ang script at pina-finalize na ng production ang mga mahahalagang detalye ng South Korean series.
Ito’y pagbibidahan pa rin ni Lee Seung-gi at ng leading lady niya sa unang season na si Bae Suzy with Shin Sung-rok na ipinalabas sa Korea noong 2019 na umere rin sa Netflix.
Sabi ni Manong Chavit, nang makachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media sa opening ng bagong branch ng BB.Q Chicken sa Ayala Malls Feliz, isa siya sa magiging producer ng “Vagabond 2.”
At ang good news pa, dito sa Pilipinas kukunan ang halos kabuuan ng serye at ilang Pinoy celebrities din ang kukunin para gumanap sa mga special role.
Natanong kasi ang dating governor kung totoong may ipo-produce nga siyang Korean series, “Meron, ‘yung series na very popular sa Korea, Vagabond.
“Itutuloy dito. Nakatapos na sila (season 1), tapos ‘yung continuation (season 2), dito na sa Pilipinas kukunan,” pagkumpirma ni Manong Chavit.
Dagdag pa niya, “Tinatapos muna ‘yung istorya para may susundan sila. Unlike the others na kapag gumawa, hinuhulaan kung saan susunod, ‘yun ayaw nila, gusto nila kumpleto na ‘yung istorya.”
Baka Bet Mo: Korean superstar Lee Seung-gi love na love ang Pinas; namigay ng pagkain sa 200 bata sa Quezon City
“Yes, makakasama ako sa production dahil niyayaya nila ako,” aniya pa.
Isa lamang ito sa mga bonggang collaboration ni Singson at ng Korean superstar na si Lee Seung-gi na ilang beses nang bumisita sa napakalaking bahay ng dating gobernador sa Ilocos Sur.
Business partners din sina Manong Chavit at Lee Seung-gi at ang unang negosyo nga nila ay ang pagpapatayo ng Little Seoul sa Metrowalk. Kabilang sa magiging attraction dito ay ang bonggang concert venue para sa mga K-pop idols.