Kylie Verzosa ‘di naniniwalang pwedeng maging friends ang mag-ex

Kylie Verzosa 'di naniniwalang pwedeng maging friends ang mag-ex

Kylie Verzosa

HINDI naniniwala ang actress-beauty queen na si Kylie Versoza na maaari pang maging friends and dating magkarelasyon.

Sa kanyang panayam sa talent manager-comedian na si Ogie Diaz, ibinahagi ng dalaga kung ano ang kanyang pananaw sa mga “ex”.

Nausisa kasi si Kylie kung nagiging kaibigan ba niya ang mga nagiging part boyfriends niya.

“I don’t believe exes should be friends,” diretsahang saad ng aktres.

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa ibinida ang picture nila ni David Beckham: Fine, jowa reveal

Napatanong namang muli si Ogie at tinanong kung bakit dahil baka raw may mga netizens na mapataas ang kilay sa naging sagot ni Kylie.

Aniya, ito ay isang paraan ng pag-respeto sa current partner ng iyong dating karelasyon.

Eksplqnasyon ni Kylie, “Respeto rin sa bago mong partner… at sa bago niyang partner. Ako, you can be civil, pero hindi kayo ‘yung nakikipag-usap na ‘hi, how are you. Kumusta ka na?’

“To me, medyo weird ‘yun pero you can be civil. Pwedeng you don’t have any bad feelings against each other but I don’t think there should still be a friendship kasi bakit pa? ” dagdag pa niya.

Punto niya, ang mga naging past relationships niya ay umabot ng matagal kaya weird para sa kanya na maging magtropa ulit sa ex-dyowa.

“Actually iba kasi ‘yung sa akin kasi matagal ‘yung 5 years. Buong 5 years, baka engaged na kayo, friends pa kayo tapos naghiwalay. Weird,” sey ni Kylie.

“Siguro kung mabilis lang or it was kust a quick relationship, sure. You can become friends. Why not?

“But if it is a long [and] committed relationship, and we’re talking about the future, the span of the relationship has passed. You can be okay with one another but you till need to talk,” giit pa ni Kylie.

Read more...