Guesting ni Chanty Videla sa ‘Showtime’ kinuwestiyon ng netizens

Guesting ni Chanty Videla sa 'Showtime' kinuwestiyon ng netizens

NAPATAAS ang kilay ng ilang netizens matapos makita ang Kpop member ng Lapillus na si Chanty Videla sa “It’s Showtime”.

Isa kasi ang dalaga sa mga nag-guest sa unang araw ng pagpapalabas ng naturang noontime program sa Kapuso network.

Kahapon, April 5, naglabas ng anunsyo ang MLD Entertainment na pansamantala munang sasailalim sa indefinite leave si Chanty dahil may sakit ito.

Kaya naman marami ang nagtaka kung bakit matapos ang naturang anunsyo ay present Filipino-Argentinian singer sa unang araw ng “It’s Showtime” sa GMA.

Baka Bet Mo: Chanty Videla ‘hiatus’ muna dahil sa chronic fatigue syndrome

Sa X (dating Twitter) ay marami ang naglabas ng saloobin ukol sa paglabas ni Chanty.

“Magwowork siya after the announcement?” takang tanong ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kala ko hiatus si chanty?”

“akala ko ba may health issue to. Kaya naka indefinite hiatus sa group nya tapos may solo guesting,” hirit naman ng isa.

“Chanty has been diagnosed with Chronic Fatigue Syndrome and has seen improvement in her health through continuous treatment and consistent care from her attending doctor,” matatandaang anunsyo ng MLD Entertainment nitong Biyernes.

Pero ayon naman sa announcement ay bawal ito sa “high-intensity group musical activities” na maaaring mag-trigger muli ng sintomas ng kanyang sakit.

Gayunpaman ay sinabi naman ng managemwnt ni Chanty na patuloy pa rin naman ang “individual activities” niya at mananatili itong miyembro ng Lapillus.

Samantala, wala pa namang pahayag ang kampo ng dalaga ukol sa pang-iintriga ng netizens.

Read more...