Janella Salvador kinansela ang mall shows para kay Jude

Janella Salvador kinansela ang mall shows para kay Jude

PINATUNAYAN ng Kapamilya actress na si Janella Salvador na ang top priority niya sa buhay ay ang anak nila ni Markus Paterson na si Jude.

Sa kasagsagan kasi ng kanyang busy schedule para i-promote ang kanilang pelikulang “Under Parallel Skies” ni Win Metawin na showing na sa April 17, isang medical emergency ang kailangang asikasuhin ng aktres.

Sa inilabas na starement ng Star Magic, ang talent management arm ni Janella, postpone muna ang pagdalo nito sa kanilang mall shows.

“We want to thank you for your love, support, and excitement for our movie, Under Parallel Skies.

“However, we regret to inform you that we are postponing today’s mall tour at SM City Pampanga and Starmall San Jose Del Mante due to a family emergency concerning Janella Salvador.

“Please stay tuned to 28 Squared Studios’ social media accounts for the updated schedule of the mall tour,” saad sa naturang announcement.

Baka Bet Mo: Janella Salvador nagsalita sa isyung ‘binastos’ si Kim Chiu

Humingi rin sila ng dispensa sa mga inconvenience na maidulot ng hindi inaasahang emergency ni Janella.

Samantala, ibinahagi naman ng aktres at celebrity na nagkaroon ng asthma attack ang anak.

“Asthma sucks. The past 48 hours have been such a nightmare but I’m positive that my brave boy will bounce back stronger than ever in no time,” saad ni Janella sa kanyang Instagram story ngayong araw, April 5.

Kalakip ng kanyang IG story ay larawan ni Jude na kumakain ng yogurt.

Sa kasunod naman na IG story ni Janella ay ibinahagi nito kung gaano niya sana kagustomg makasama ang mga sumusuporta sa kanila

“Would really have loved to see you all at the mall shows today.. Hope you understand,” sey pa ng aktres.

Read more...