Coleen ibinandera ang ‘beach date’ with Billy, netizens humirit ng baby no. 2

Coleen ibinandera ang ‘beach date’ with Billy, netizens humirit ng baby no. 2

PHOTO: Instagram/@coleen

MUKHANG super nag-enjoy ang aktres na si Coleen Garcia sa naging bakasyon nila ng mister na si Billy Crawford.

Sa Instagram, ibinandera ni Coleen ang ilang sweet pictures nilang mag-asawa habang nasa isang resort sa Batangas.

Ayon sa aktres, ito ang kauna-unahang beach date nila ni Billy mula nang magkaroon sila ng anak na si Amari.

“First overnight beach date trip together since Amari was born [emojis],” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Coleen isinama ang anak sa lock-in shoot: Hanggang ngayon kasi breastfeeding pa rin ako

Sa comment section, maraming netizens ang humihirit sa dalawa na sundan na ulit ng baby ang panganay nilang anak.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin: 

“Gawa naman kayo ng Amara. Para kuya na si Amari [red heart emoji].”

“Baby girl next [face with hand over mouth emoji]”

“Time for baby #2 [peace sign]”

“Masusundan na si Amari [fire, red heart emojis]”

“Baby 2 is waving”

Matatandaang taong 2018 nang ikinasal sa Balesin ang dalawa at biniyayaan ng anak na lalaki na si Amari noong 2020.

Kung maaalala, noong September last year nang inamin ni Coleen na nag-eenjoy siya sa pagiging nanay sa panganay na anak nila ni Billy.

Kahit matindi ang challenges na pinagdaanan niya bilang first time mom, sinabi niya na mas less tress na siya ngayon dahil hindi na mahirap alagaan ang bagets.

Para sa aktres, “motherhood is really fun” na raw kung ikukumpara noong mga unang buwan ng pag-aalaga nila kay Amari. 

Mas nagkakaintindihan na raw kasi sila ng kanyang anak kaya alam na niya ang mga gagawin kapag nagta-tantrums ito.

Read more...