Aktres ma-awkward kaya sa pagdalaw ng aktor sa show nila?

Aktres ma-awkward kaya sa pagdalaw ng aktor sa show nila?

HINDI na muna namin papangalanan ang akor at aktres na bida sa blind item na ito pero kung matutuloy ito ay tiyak nap ag-uusapan ito ng husto.

Magkakaroon ng special edition ang isang programa sa Sabado, Abril 6 at pasabog ang gagawing episode dahil gustong i-guest ang aktor bagay na ikagugulat ng mga tagahanga nito.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang may negosasyong nangyayari sa management company ng aktor na mag-guest siya sa special edition ng programang mapapanood sa Sabado.

Baka Bet Mo: Sikat na aktres na may pinagdaanan sa buhay biglang pinagkakaguluhan ng boylets?

 

Okay daw sa management ng aktor sa guesting pero ang alaga nila ay hindi pa sila sinasagot kung okay sa kanya.

Samantala, ang aktres naman ay okay lang sa kanya kung sinuman ang ige-guest ng programa dahil unang-una ay wala siyang power para pigilan ang gusto ng management at naniniwala naman siyang magiging maganda ang resulta ng show.

Anyway, pag natuloy ang aktor sa guesting niya sa programa ay ano kaya ang reaksyon ng aktres pag nagkita sila? Feeling ko naman ay okay sila base sa kuwento ng dalaga kapag natatanong siya.

Mas lalong okay din si aktor dahil eversince ay vocal naman siya sa pagsasabing okay sila ng aktres.

Read more...