MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang diumano’y “matching black rings” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa video kung saan sinurpresa ng Kapuso actor si Kathryn ng isang malaking bouquet ng bulaklak at regalo, marami ang nakapansin sa tila pagkakaparehas ng singsing na suot-suot ng dalawa.
Kaya naman hindi maiwasan ng mga supporters nina Alden at Kath na mas kiligin dahil nagkakaroon sila ng pag-asa na baka may “something” nga na namamagitan sa dalawa.
Maski sa X (dating Twitter) mainit na pinag-uusapan kung ano nga ba ang real score sa pagitan ng dalawa.
Baka Bet Mo: Alden Richards super yakap kay Kathryn, sweet na sweet na nagpa-picture sa party
“I noticed the black ring they were both wearing! Dumadamoves ka ba Alden?! I am praying that you find true happiness and true love. Whoever he is! @bernardokath, I love you!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Kita mo same ring sila, yung black. Si Alden pag titingnan mo yung history, walang pangit. Sa personal litaw na litaw pagiging Fil Am niya. Nagulat ako kasi di naman ganon ka captivating sa tv for me. Huie. Nasa mabuting kamay si Kath if ever.”
“not just the black ring but their WATCH omoooooo! his fans know he is collecting watches and black palagi ang gamit nyang relo. This time silver naman matchy matchy yannn,” sey naman ng isa.
Maging sina Cristy Fermin at Romel Chika ay natalakay ang identical black rings nina Kathryn at Alden sa kanilang show na “Cristy Ferminute”.
“Siyempre sa sobrang kilig at gusto nating magkatuluyan, lahat ito ay bibigyan natin ng mas malalim na meaning,” ani Romel.