Patrick Garcia inaming si Anne Curtis ang unang bumasted sa kanya

Patrick Garcia inaming si Anne Curtis ang unang bumasted sa kanya

ISANG pasabog ang inamin ng 90s matinee idol na si Patrick Garcia tungkol sa kanila ng TV host-actress na si Anne Curtis.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang kaibigang si Paolo Contis nitong Miyerkules, April 3, ay nausisa siya kung sino ang unang bumasted sa kanya.

Dito ay inamin ni Patrick na ang “It’s Showtime” host ang unang babaeng bumasted sa kanya.

“Si Anne Curtis,” natatawang sagot ni Patrick.

Chika pa niya, ito raw ang unang beses na inamin niya sa publiko na niligawan niya noon si Anne na sa kasamaang palad ay binasted siya.

Baka Bet Mo: Patrick Garcia ipinagmalaking 4 years nang hindi nagyoyosi, hirit ng asawang si Nikka: ‘So proud of you!’

Paglilinaw ni Patrick, wala naman daw siyang sama ng loob o hinanakit sa TV host-actress.

“Matagal na ito, mga 1999 pa ito. Ngayon ko lang sinabi ito, sorry guys, sey ng aktor.

Parehas naman nang masaya ang kanya-kanyang buhay nina Patrick at Anne.

Sa ngayon ay married na si Anne sa kapatid ni ng kanyang best friend na si Erwan Heusaff.

Si Patrick naman ay masaya na rin sa buhay kasama ang asawang si Nikka Martinez.

Parehas na rin silang may mga anak.

Si Patrick ay may lima nang chikiting — sina Alex Jazz (15) na anak niya kay Jennylyn, Michelle (10), Nicola (8), Francisca (6), at Enrique (2). Si Anne naman ay may isang cute baby girl na si Dahlia (4).

Read more...