KUYA KIM walang awang ‘PINATAY’ ng sindikato sa internet


Bastos at mukhang walang pinag-aralan ang nagmamay-ari ng Facebook site na Tangamilya Fanpage. Puro kasi anti-ABS-CBN rants ang laman.

Ang ikinaloka namin, “pinatay” nila si Kim Atienza sa isang recent article nila in time for the Halloween season.
“USAPANG PATAY, UNDAS 2013! ANG BUONG PAMUNUAN NG TFP AY NAKIKIRAMAY AT NAGDADALAMHATI SA PAGPANAW NI KUYA KIM ATIENZA ..

ANG GURANG NA HOST NG SHOWTIMANG NA LAHAT NG KABADUYAN AY GINAGAWA AT DI UMAYON SA EDAD ANG MGA INAARTE SA NATIONAL TV PURO KAKORNIHAN!

“SA WAKAS MAGSASAMA NA KAYO NI LOLA MAURELLA KO SA HUKAY!!! “SCORE MO , SHOW MO !! BACK TO YOU GUYS ! HAHAHAHAHA!”

‘Yan ang nakakalokang mensahe sa ipinost na photo ng nasabing fan page kung saan nasa kabaong si Kuya Kim. Bastos sa ‘di lang bastos ang admin ng Facebook site na ito.

Napaka-insensitive niya at wala siyang pakialam kung nakakasakit siya ng damdamin. Wala yatang siyang kaluluwa at konsensiya dahil buhay na buhay pa si Kuya Kim ay pinapatay na siya.

Marami ang nag-react talaga sa ipinost ng admin ng Tangamilya Fan Page. “Alam mo admin sama ng ugali mo. . sa totoo lang sana makunsyensya ka sa sasasabihin ko pero alam kong wala ka non. kahit gaano ka kagalit sa isang istasyon hindi ka dapat nanalangin ng ganyan.

Ipinapakita mo lang kung gaano ka kawalang modo at walang relihiyon. No wonder hindi magtagal ang mga pages na ginagawa ninyo.”

“ISA LANG MASASABI KO..TUMBASAN NYO ANG TALINO NI KUYA KIM…>>> kabobohan ang fanpage na to..ahahhaha.”
Ang napansin lang namin, puro anti-ABS-CBN ang nilalaman ng fan page at puro papuri sa GMA shows ang kanilang ginagawa. Dapat ay idemanda ni Kuya Kim ang pambababoy na ginawa sa kanya ng fan page na ito.

( Photo credit to Google )
.

Read more...