Cool-off muna (2)

Sulat mula kay Tina ng Barangay Banadero, Ozamiz City
Problema:
1.      Nagpasya kaming huwag munang magkibuan ng aking boyfriend dahil hindi na kami magkasundo at tila tumitindi na ang away.  Cool-ff muna kami para hindi na lumala ang alitan, bagaman masama ang loob ko sa ganitong kapasyahan.  Wala akong nagawa sa cool-off dahil ito ang gusto niya.
2.    Ang tanong ko, magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit tatlong buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? Pinalitan na kaya niya ako at meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin.  Babalik pa kaya siya upang muling mabuo ang aming relasyon? May 10, 1991 ang birthday ko at January 12, 1989 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Tina ng Barangay Banadero, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
    Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible kayo ng boyfriend mo na may zodiac sign na Capricorn, dahil ang Capricorn at Taurus ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mo na nagtataglay ng planetang Moon ay nagsasabi ding katugma at ka-compatible mo ang boyfriend mo, dahil ang taglay niyang planeta ay Sun.  Kung saan, ang pagsasama ng Sun at Moon ay sadyang magiging masagana at maligaya.
Luscher Color Test:
Upang mas madali kayong magkabalikan ng boyfriend mo mas makabubuting sa inyong pag-uusap lagi kang magsuot ng kulay na dilaw o kaya’y berde. Sa nasabing pagamit at pagsusuot ng kulay na dilaw at berde muling magiinit at magiging maligaya ang inyong relasyon.
Graphology:
Ang iyong lagda na may korteng puso ay nagsasabi namang malapit na malapit ka nang makapag-asawa, kung saan, matapos ninyong magkabalikan ng boyfriend mo sa taon ding ito sa buwan ng Disyembre o kaya’y sa unang quarter ng taon 2014 may isang simple pero masayang kasalang itatala sa inyong karanasan.
Huling payo at paalala:
Tina ayon sa iyong kapalaran wala kang dapat na ipag-alala, dahil tulad ng nasabi na, sa susunod na mga araw, muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo, upang paglipas ng ilan pang mga buwan,  ipasya nyo ng magpakasal, upang bumuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Read more...