Donny may pamatay na banat kay Belle pag inamin na ang tunay na feelings

Donny may pamatay na banat kay Belle pag inamin na ang tunay na feelings

Donny Pangilinan at Belle Mariano

IN FAIRNESS, kahit saan kami magpunta ay pak na pak pa rin ang “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Girl, boy, bakla, tomboy…bata, matanda, may ngipin o wala, ay talagang hook na hook sa nasabing Kapamilya teleserye kaya naman ang request ng mga fans ay huwag muna itong tapusin ng ABS-CBN.

Umaasa ang mga tagasubaybay ng serye na magtatagal pa ito sa ere dahil naniniwala sila na marami pang pwedeng mangyari sa mga karakter nina Donny at Belle bilang sina Bingo at Ling.

Baka Bet Mo: Hirit ni Luis sa mga paandar ni Baby Peanut: Nagla-laptop na siya, nagsu-sudoku…

Hindi lang yan, inaabangan din ng mga adik sa “Can’t Buy Me Love” ang nakakaloka at nakaka-good vibes na love story nina Snoop at Irene na ginagampanan nina Anthony Jennings at Maris Racal.

Sa mga susunod na episodes, mas marami pang nakakakilig at pasabog na eksenang mapapanood sa serye kabilang na ang mga rebelasyon tungkol sa pamilyang Tiu na talaga namang nakakatensiyon at nakaka-high blood.


Ang latest, abangers na ang DonBelle fans sa gagawing pagtatapat ni Bingo ng kanyang pagmamahal kay Ling na isa sa mga magiging major-major pakilig nina Donny at Belle sa madlang pipol.

Siguradong matindi ang pagiging banat at pick-up lines ni Donny as Bingo kapag nagkaaminan na ng kanilang feelings sa isa’t isa.

Napanood namin ang eksena nang niyaya ni Bingo si Ling na magkita sila. Tanong ni Bingo, “G ka ba mamayang gabi? Magkita tayo.”

Tinanong naman ni Ling si Bingo kung bakit, sagot ng binata, “May sasabihin lang ako sa iyo.”

“’Di ba pwedeng sabihin mo ngayon?” ang balik na tanong ng dalaga.

Baka Bet Mo: Donny shookt sa mga rebelasyon ni Belle sa bago nilang serye: ‘Ibang klase! Ang galing!’

“Pwede naman kaya nga lang mas okay kung mamayang gabi na lang,” tugon ni Bingo sa kanya hanggang pumayag na nga si Ling.

Narinig ng Mamang (Nova Villa) at tatay-tatayan (Ketchup Eusebio) ni Bingo ang pag-uusap nila ni Ling kaya ang tanong ni Mamang, “Ano ’yung pinag-uusapan niyo? Magtatapat ka na ba?”

“Opo,” sagot ni Bingo na kinikilig.

Siyempre, super happy ang family ni Bingo sa kanyang ipinagtapat dahil matagal na nilang hinihintay na  magtapat ng kanyang pag-ibig ang binata kay Ling.

Samantala, mukhang pinakinggan na ng production ng “Can’t Buy Me Love” ang request ng manonood dahil sa bagong teaser ng serye ay parang magpapagupit na ng buhok si Bingo.

Read more...