Alden super yakap kay Kathryn, sweet na sweet na nagpa-picture sa party

Alden super yakap kay Kathryn, sweet na sweet na nagpa-picture sa party

Kathryn Bernardo at Alden Richards

“SANA kayo na lang!” ang nagkakaisang komento ng mga netizens matapos bumandera ang sweet photos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kalat na kalat na ngayon sa social media ang mga bagong litrato at video nina Alden at Kathryn na kuha sa post-birthday party ng Kapamilya actress.

Sa Instagram story ng fashion stylist na si Priscilla Ann “Boop” Yap-Tañedo makikita ang pagdating ng Asia’s Multimedia Star sa event with matching super laking buoquet of roses and gift for Kathryn.

Baka Bet Mo: Liza Soberano nasaktan sa komento ni Boy Abunda: I felt like misunderstood by you

“Kinikilig ako #KathDen,” ang nakalagay sa caption ni Boop sa kanyang IG post.

Sa Instagram story naman ng isang nagngangalang Earl Semitara, makikita na nakayakap pa si Alden kay Kath  habang kimukunan sila ng picture together.

Halos lahat ng comment na nabasa namin sa social media ay nagsabing “kilig overload” ang hatid ng KathDen sa kanila at talaga raw bagay na bagay ang dalawa.

Sabi nga ng ilan nilang fans, sana raw ay sila na ang magkatuluyan sa ending. Pero ang tanong, nililigawan ba ni Alden si Kathryn? May meaning ba ang kanilang “yakapan”? Beke nemen!!!


Nauna rito, naging hot issue rin sa socmed ang pag-attend ni Alden sa 28th birthday celebration ni Kath na ginanap sa El Nido, Palawan.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binanatan ng bashers matapos magkomento sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Hinandugan pa ng Kapuso superstar ng kanta ang aktres kasama si Kakai Bautista. Nag-duet sila ng “Bakit Ngayon Ka Lang” na talagang ikinatuwa ng ex-dyowa ni Daniel Padilla.

Parang hiyang-hiya pa nga si Alden nang kantahan si Kathryn. Hirit niya pagkatapos mag-perform, “Happy birthday, Kath. ‘Di ko ginagawa ‘to.”

Naging close sina Alden at Kathryn nang gawin nila ang 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.” At ngayon nga ay balitang pinaplano na ng Star Cinema ang part 2 nito.

Ang naririnig namin, baka raw ang sequel ng “HLG” ng KathDen ang maging official entry ng Star Cinema sa 2024 Metro Manila Film Festival, na ididirek uli ni Cathy Garcia-Sampana.

Read more...